Rufa Mae Quinto remains silent about rumored break-up with Erik Santos


Sexy comedienne Rufa Mae Quinto is still mum about her rumored break-up with boyfriend Erik Santos. She is also being linked to Mark Bautista and Mark Herras.



Noong June 13 ng gabi ay nakausap ng GMA News at PEP (Philippine Entertainment Portal) ang sexy comedienne na si Rufa Mae Quinto. Tumanggi siyang magpa-interview dahil apektado raw siya sa mga nangyayari ngayon sa kanyang lovelife.

May ilang araw na raw kasi silang hindi nagkakaintindihan ng kanyang boyfriend na si Erik Santos.

Sa una'y pinipilit ni Rufa Mae na magpatawa sa usapan. Pero may ilang ulit itong naging seryoso sa gitna ng tawanan. Dito namin naramdamang may seryoso ngang nangyayari sa pagitan ng magkasintahan.

TWO MARKS. Sa mga balitang naglabasan, inili-link si Rufa Mae sa isa pang singer—si Mark Bautista. Makailang ulit na idinenay ni Rufa Mae ang uganayan kay Mark.

"Kaibigan ko kaya ‘yon!" depensa ni Rufa Mae. "Ewan ko kung bakit pilit akong nili-link sa kanya. Ka-core group ko ‘yong tao [sa Bible study]. Ang pangit namang tsinitsimis pa ako sa kanya.

"Minsan kasi tinawagan ako ng isang production staff, pinag-message ako sa show yata o concert ni Mark. Alangan namang pangit ang sabihin ko, e, kaibigan ko nga ‘yon."

Bukod kay Mark Bautista, nali-link din si Rufa Mae kay Mark Herras.

Ilang buwan na ring umiikot ang tsismis. Matatandaang naintriga pa ang dalawa dati dahil sa pagdalaw-dalaw umano ng young actor sa bahay ng komedyana. Bukod dito, ilang araw pa lang ang nakararaan nang maging laman muli ang dalawa ng gossip columns dahil diumano sa backstage kiss nila sa Bubble Gang.

"Sige, isama nyo na rin lahat ng Mark! Pati ‘yong Mark [Tupaz] ng Shamrock. Baka may maisip pa kayong Mark diyan, i-link niyo na rin sa akin!" pagpapatawa ni Rufa Mae.

Pero hindi maitago ang irita ng sexy comedienne.

THE REAL SCORE. Nilubayan na namin si Rufa Mae nang gabing ‘yon. Nangako siyang makikipag-usap muli sa amin at baka magpa-interview siya kinabukasan, June 14.

Hindi pa raw sila nagkakausap ni Erik. Mas maganda raw na hindi muna siya magsalita hanggang hindi pa plantsado ang lahat sa pagitan nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinumpirma ni Rufa Mae na nalulungkot siya sa mga pangyayari. Nakarating pa raw sa kanya ang balitang umiyak si Erik sa isang tabloid writer.



Sinubukan naming tawagan si Rufa Mae tulad nang napagkasunduan, pero hindi na ito sumasagot sa aming tawag.

Nagpadala kami ng text message at agad naman siyang sumagot.

Tinanong namin kung kumpirmado na ang break-up nila ni Erik. May third party ba?

"Nelson, walang Say Alonzo pls tel d world," text sa amin ni Rufa Mae. Lumabas kasi ang balita bago nag-celebrate ng kanyang birthday si Rufa Mae na nag-date diumano sina Erik at Say.

Ayaw pa rin daw niyang kumpirmahin ang hiwalayan.

"We wil tok muna," sunod na text sa amin ng komedyana.

Live na magsasalita si Rufa Mae sa Startalk tungkol sa isyung ito bukas, June 16.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN