Luis Alandy dispels rumor that he has a rich gay benefactor


"...Hindi ko trip ang ganyan. Kasi, kung totoo 'yan, sana hindi na ako nagpapaka-active ngayon sa showbiz para kumita lang ng pera. Sana, nagpagarahe na lang ako, at wala na akong iintindihing kung anuman kung kinakalakal ko na lang ang katawan ko sa ganyan," defends Luis Alandy.


Nawala nang medyo may katagalan sa eksena ang aktor na si Luis Alandy dahil sa knee injury na tinamo niya. Naaksidente kasi siya noon na naging sanhi ng pagkaputol ng ligament sa kanyang tuhod at kinailangang maoperahan agad ito.



Habang nagpapa-therapy siya ay tumatanggap din siya ng ilang guestings, pero wala siyang tinatanggap noon na regular taping job para sa isang continuing series. Gusto kasi ni Luis na makumpleto ang therapy, nang sa gayon ay hindi na ito magtagal pa.



Pero sa pagbabalik ni Luis via Impostora ng GMA-7, kumalat ang balitang living in style siya. Matagal na nawala si Luis at walang regular na trabaho, kaya nagulat ang marami na nagda-drive ito diumano ng bagong kotse at laging mga bago at mamahalin ang gamit.



"Ever since, hindi ko ipinagyabang ang pinanggalingan kong pamilya," sabi ni Luis. "Hindi kasi maganda na nagsasalita ako na kesyo may kaya kami sa buhay, kaya may mga nae-enjoy akong ganitong mga bagay.



"Ang point ko lang, lahat naman ng lalaki halos sa showbiz ay pinagdududahan ng kung anu-ano. Pero matagal na rin naman ako sa showbiz. Mga ten years na rin ako rito, and more or less, nakaipon din siyempre ako para makabili ng mga bagong gamit," depensa ng aktor.



Ayaw mag-elaborate ni Luis ng mga materyal na bagay. Pero ipinagpapalagay pa ng marami na siya raw ay may isang rich gay benefactor from the South, at ito diumano ang nagme-maintain sa mga luho ng aktor.



"Ayoko ring lumabas na parang nagmamalinis, pero talagang I'm not into that," aniya. "Maski noong nag-uumpisa ako, marami nang indecent proposals na inilalapit sa akin, at hindi talaga ako kumakagat.



"Karamihan, nag-o-offer ng pera, pero hindi ko trip ang ganyan. Kasi, kung totoo 'yan, sana hindi na ako nagpapaka-active ngayon sa showbiz para kumita lang ng pera. Sana, nagpagarahe na lang ako, at wala na akong iintindihing kung anuman kung kinakalakal ko na lang ang katawan ko sa ganyan," napapailing na sambit ni Luis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Narinig na ni Luis ang ganito maski sa mga kasamahan niya sa Impostora, pero ipinagkikibit-balikat lang niya at tinatawanan.



"Kasi hindi naman totoo," napapangiti na lang din si Luis. "Mahihiya ako sa father ko kung totoong pumapatol ako sa ganyan, dahil my father can still provide. Aside from the fact na nagtatrabaho rin ako, naibibigay pa rin ng father ko ang pangangailangan ko. Hindi rin ako katulad ng iba na pumasok sa showbiz dahil sila ang breadwinner ng pamilya nila.



"At saka hindi naman totoong materyoso ako, na mahilig ako sa mamahaling gamit. Tama rin lang na kapag nagtatrabaho ako, nabibili ko 'yong gusto."



Sa ngayon, Luis is dating VJ Dianne na napapanood sa Wazzup Wazzup. Ito raw ang girlfriend niya ngayon, kaya mahirap ding basta i-link siya kung kani-kanino dahil ang mga kontrobersiyang napasukan niya noon involving Kat Alano and Roxanne Barcelo, para kay Luis, ay bahagi na lang ng nakaraan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN