Cristine Reyes finally joins the sexy bandwagon


Cristine Reyes is confident and ready to act in torrid love scenes with Andrew Schimmer in their forthcoming movie Green Paradise. She's also set to do a sexy pictorial for FHM magazine.


Tuloy na tuloy na ang pagpapa-sexy ng young star na si Cristine Reyes. Nasa tamang edad na raw kasi siya kaya wala na raw makapipigil sa kanyang desisyon na sundan ang yapak ng kanyang ate na si Ara Mina.



May blessing naman daw mula kay Ara ang pagpapa-sexy ni Cristine. Noon pa raw kasi ay may kumukuha na kay Cristine, pero masyado pa siyang bata that time. Ngayong 18 years old na siya at mature na, prepared na raw si Cristine—mentally at physically—na tumanggap ng sexy offers.



Ang first sexy movie ni Cristine ay ang Green Paradise kung saan makakatambal niya si Andrew Schimmer, na first time ding magpapa-sexy sa pelikula. Kukunan daw sa isang magandang isla ang pelikula, kung saan mapapanood daw sina Cristine at Andrew sa ilang maiinit na love scenes.

"I read the script at medyo daring nga ang movie," sabi ni Andrew nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "Okay lang because prepared na kami ni Cristine. Panay ang workout ko para magandang tingnan ang katawan ko sa big screen. Si Cristine naman, hindi maawat sa diet niya. Pero nakatulong ng malaki sa kanya kasi lalo siyang naging sexy."

Si Andrew ang balitang naging boyfriend noon ng ka-batch ni Cristine sa StarStruck na si Katrina Halili, na sumikat din nang husto dahil sa kanyang pagpapa-sexy.



Pagkakaguluhan nga raw ng mga kalalakihan si Cristine sa first sexy movie niya dahil may eksena raw siyang mala-Gloria Diaz sa Ang Pinakamagandang Hayop Sa Balat Ng Lupa noong '70s. Tatakbo raw ang young actress sa beach na ang tanging suot ay manipis na kamison. Dahil wet look, siguradong babakat ang mga depat bumakat kay Cristine.

"Basta abangan na lang nila," nakangiting sabi ni Cristine na conbident sa gagawin niyang sexy movie. "Pauna pa lang naman ‘yon. Kasi gusto ko na gagawa na rin lang ako ng sexy movie, ‘yong may dating na talaga. Iyong pag-uusapan talaga. Kaya sa shooting nitong Green Paradise, handang-handa na ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Ready na rin ba sila nila ni Andrew sa kanilang love scenes?



"Ako, ready na!" tawa ni Andrew. "Hindi na kami magkaka-ilangan ni Cristine kasi matagal na kaming magkaibigan, tapos iisa lang ang humahawak ng bookings namin kaya walang problema. Tsaka trabaho lang naman ito para sa aming dalawa."



First time din ni Cristine na makipag-love scene sa pelikula at marami na raw siyang nakuhang tips mula sa kanyang Ate Ara.



"Siyempre, sino pa ba ang hihingan ko ng payo kundi si Ate Ara, na expert na sa mga love scenes, di ba?" tawa niya.

"Ang pinakapayo niya ay dapat mabango ako parati. Lalo na ang hininga ko kasi nga may halikan. Make sure daw na nakapag-toothbrush ako at nag-gargle para walang masabi ang leading man ko. Importante raw ang personal hygiene para hindi ako matsismis."



Anytime din daw ay magpi-pictorial na si Cristine ng kanyang very first FHM sexy photo shoot. Matagal na raw nililigawan ng FHM si Cristine at sa wakas ay pumayag na rin ang sexy young actress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN