Jennylyn Mercado clarifies rumor that Patrick Garcia sleeps in her condo


"We're doing good. Parang okay naman kami. Tanggap siya ng family ko, tanggap ako ng family niya. Wala namang problema," says Jennylyn Mercado about her relationship with boyfriend Patrick Garcia.



Napakaikli ng suot na maong shorts ni Jennylyn Mercado sa press con ng pelikulang Angels last Thursday, June 14. Nang tanungin kung bakit ganoon ang suot niya, sinabi ni Jennylyn na para raw ‘yon sa kanyang boyfriend and co-star sa Angels na si Patrick Garcia.

Hindi tuloy napigilan na i-compare si Patrick sa ex-boyfriend ni Jennylyn na si Mark Herras pagdating sa kung sino ang mas masarap mahalin.



"Ayokong mag-compare," pag-iwas na sabi ni Jennylyn. "Pero, di ba, ngayon siyempre, si Pat ang kasama ko and happy ako sa kanya. And, napakabait na tao ni Patrick."



Gaano na ba kalalim ang relasyon nila ni Patrick?



"We're doing good. Parang okay naman kami. Tanggap siya ng family ko, tanggap ako ng family niya. Wala namang problema," sagot ng kauna-unahang StarStruck Ultimate Female Survivor.



Kuwento ni Jennylyn, lumalabas-labas na raw sila ni Patrick na silang dalawa lang kapag nakakatiyempo ng libreng oras. Madalas raw nasa bahay lang sila ni Jennylyn, pero itinanggi ng dalaga na nakakatulog na sa bahay niya si Patrick.



"Anong oras siya umuuwi? Depende po. Kunwari, dalawang oras na kaming magkasama, nagkukuwentuhan lang kami. Manood ng DVD and manood ng TV," pahayag ng young actress.



Saan sila nanonood ng DVD?



"Sa bahay po," sagot niya.



Sa kuwarto niya?



"Opo," nakangiting sabi ni Jennylyn.



Ano ang pinapanood nila sa loob ng kuwarto niya?



"Iba-iba," sagot ni jennylyn. "Madalas po ano, e, sa TV lang. Like ‘yong sa AXN [cable channel]."



Proud naman na sinabi ni Jennylyn na taliwas sa mga bali-balita na kuripot si Patrick. Galante raw ang kanyang boyfriend.



"Pero huwag na nating bilangin," sabi niya. "Para sa akin, lahat ‘yon special. Lahat ‘yon iniingatan ko kasi mahal ko 'yong tao."



Samantala, napabalita rin na isa si Jennylyn sa mga nag-audition para sa role ng Marimar. Totoo ba ito?



"Hindi po," mariin niyang tanggi. "Ayoko pong pag-usapan. Wala pa naman pong desisyon. Hindi ko alam kung bakit nasulat ang pangalan ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Interesado ba siya sa role?

"Siyempre naman," sagot niya. "Pero parang network na lang ang bahala. Sila na lang ang magde-decide."

Nabanggit din ni Jennylyn na meron siyang gagawing entry para sa 2007 Metro Manila Film Festival, pero ayaw pa niyang sabihin kung ano ang title ng movie. Pero may mga nagsasabi na baka makasama siya sa pelikula ng actor-senator Bong Revilla na Resiklo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN