Erik Santos on Rufa Mae Quinto: "Okay na kami."


Erik Santos did not say much about his rumored break-up with girlfriend Rufa Mae Quinto. The singer admitted, however, that they did not celebrate their first anniversary last June 13.


Nagmamadaling lumabas ang male singer na si Erik Santos sa dressing room pagkatapos ng production number niya sa show ni Judy Ann Santos kagabi, June 16, sa Araneta Coliseum. Nagkataon na kausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang manager ni Erik na si Boy Abunda kaya naharang pa namin siya para tanungin tungkol sa napapabalitang break-up nila ni Rufa Mae Quinto.

Ano ba talaga ang lagay ng relasyon nila ni Rufa?

"Okay na kami. Nagkaayos na kami," bitin na sagot ni Erik.



Hindi itinanggi ni Erik na nagkaroon sila ng problema ni Rufa Mae nitong nakaraang mga araw, pero naayos rin daw niya agad. Hindi raw hinayaan ni Erik na matapos lang sa wala ang relasyon nila ni Rufa Mae.



Tinanong din namin si Erik kung totoo na si Mark Bautista ang isa sa mga dahilan ng hiwalayan nila ni Rufa Mae.



"Matagal ko nang kaibigan si Mark. At naging kaibigan namin [ni Rufa Mae] si Mark. Kaya never na siya ang magiging dahilan ng away namin ni Peachy," seryosong pahayag ni Erik.



Totoo bang nagselos din siya kay Mark Herras?



"Mas guwapo ako doon," mataray at pabirong sagot ni Erik.



Ano ang ginawa nila noong first anniversary nila last June 13?



"Pareho kaming may trabaho noon, e," sagot niya. Pero kanina sa guesting niya sa The Buzz kaninang hapon ay inamin ni Erik na sinadya niyang hindi batiin si Rufa Mae dahil sa naging matindi nilang away.



Bago tuluyang umalis sa harap namin si Erik ay muli niya kaming in-assure na okay na talaga ulit sila ni Rufa Mae.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN