StarStruck Ultimate Hunk Aljur Abrenica blames his inexperience for "Lola Basyang" incident


StarStruck winner Aljur Abrenica gets his first taste of real showbiz life when he was reprimanded for allegedly complaining about his experience during the taping of Mga Kuwento ni Lola Basyang.


"Baguhan pa lang po ako, hindi ko pa po alam ang lahat," ang paulit-ulit na paliwanag ni Aljur Abrenica tungkol sa nangyari sa taping noon ng Mga Kuwento Ni Lola Basyang.

Hindi na dapat lumabas ang balitang ito kung saan nagdamdam diumano ang StarStruck 4 Ultimate Hunk sa pagtrato sa kanya ng production staff ng Mga Kuwento Ni Lola Basyang. Ang kaso, tumawag ang StarStruck director na tumatayong tatay-tatayan (some say "manager') na si Rommel Gacho sa executive producer ng Lola Basyang na si Otep Buncalan.

Tila iba ang nakarating sa StarStruck director kung kaya't ang ibang production staff ng Lola Basyang ang nagkuwento ng mga tunay na nangyari during the taping.

Sinigaw-sigawan diumano ng assistant director na si Rado Peru si Aljur at tinawag ding bakla.

Ayon sa mga nandoon, kung masigawan man daw si Aljur ni Rado, hindi naman daw ito personal, trabaho lang. For the record daw, walang na-take one si Aljur sa lahat ng scenes niya for his Lola Basyang episode na "Ang Kapatid Ng Tatlong Maria."

Sumasagot din daw ang StarStruck winner sa associate director at may isang scene pa ang ipinaulit sa kanya dahil nagkamali siya ng blocking. Nagdahilan pa raw ang young actor na kung susunod siya sa blocking, hindi siya makikita ng camera.

Hindi rin daw totoo na tinawag ni Rado si Aljur na bakla. Dahil may kahinaan ang boses ng bata, pinalakas ito para mahagip ng kanyang lapel with a comment na "ang lamya-lamya mong magsalita, parang bakla."

Sa phone conversation nina Rommel at Otep, nag-request si Otep na kausapin si Aljur. Naiyak si Aljur sa sinabi ni Otep sa kanya na, ‘Aljur, kung mahina ang dibdib mo, huwag ka nang mag-artista.' Nag-request din ang executive producer ng Lola Basyang na makipag-meeting sa GMA Artist Center kung saan nakapirma si Aljur.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa press con ng Boys Nxt Door—kung saan ipakikilala siya, kasama ng ibang StarStruck 4 graduates na sina Mart Escudero, Kris Bernal, Rich Asuncion, Jesi Corcuera, and Kiko Juinio—pinayabaan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na magpaliwanag si Aljur sa nangyari.

Sa una, ayaw niyang magsalita dahil tapos na raw ‘yon. Paulit-ulit niyang sinabi, "Bago pa lang ako sa showbiz, marami pa kasi akong hindi alam."

Nang inisa-isa namin sa kanya ang mga nakuha naming impormasyon mula sa staff ng Lola Basyang, napilitan din siyang magsalita.

Sa kuwentong nagsumbong siya kay Rommel, ayon sa kanya, "Hindi po ako nagsumbong, nagkuwento ko lang ako at nagtanong kay Tatay [Rommel]."

Balik tanong namin, hindi pa ba pagsusumbong ito? Kaya nga nag-usap sina Rommel at Otep dahil naikuwento niya.

Hindi niya raw alam na tatawag si Rommel kay Otep.

May sagot din si Aljur kung bakit hindi niya sinunod ang blocking niya dahil baka hindi siya mahagip ng camera.

"Hindi ko po kasi alam na umiikot ang camera. Akala ko po kasi, kung pupunta ako sa blocking ko, nandoon si Kris [Bernal, co-star ni Aljur sa said episode], hindi ako makikita ng camera. Hindi ko po kasi alam na umaandar ang camera," paliwanag ng young actor.

Balik tanong ulit namin, hindi ba dapat ang unahin niya nga ang kanyang pag-arte bago ang technical aspect ng production?

"Bago pa po kasi ako, marami pa akong hindi alam," sagot niya ulit.

After the first batch of news came out, nabalitaan din ng Lola Basyang staff na galit din daw ang ama ni Aljur dahil sinisira raw ang anak niya sa panulat.

"Hindi po totoo ‘yon, hindi nakikialam ang daddy ko. Hindi po magsasalita ng ganoon ang daddy ko. Hindi po mahilig ng showbiz ang daddy ko," tanggi ni Aljur.

Sa press con ng Boys Nxt Door, si Aljur lang yata ang tanging teenager cast member na kasama ang ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN