Singer Jay-R and girlfriend Liza Calove hard put to deny living-in


"Okay na ngayon because I think many of my fans will accept the fact na I'm in a relationship. They will understand me naman. I'm proud of my girlfriend kaya isinasama ko siya sa mga lakad ko," says Jay-R about his girlfriend, Liza Calove.


Mukhang hindi na nga itinatago ng R&B Prince na si Jay-R ang kanyang real-life girlfriend na si Liza Calove sa publiko. Patunay nito ay madalas na ngayong kasama ni Jay-R si Liza sa showbiz functions.



Sa press launch ng dance reality show ni Billy Crawford na Move sa Music Museum, karay-karay ni Jay-R si Liza. Ipinakilala pa nga ng singer sa entertainment press si Liza at sinabi niyang ito ang girlfriend niya na taga-Los Angeles, California.



Tinanong si Jay-R ng mga reporters kung bakit ngayon lang niya inamin at ipinakilala ang kanyang girlfriend. Sinabi nito na naghintay lang siya ng tamang panahon. Mahirap daw noon dahil nagsisimula pa lang daw siya at kailangan daw na walang nababalitang girlfriend niya.



"Okay na ngayon because I think many of my fans will accept the fact na I'm in a relationship. They will understand me naman. I'm proud of my girlfriend kaya isinasama ko siya sa mga lakad ko," sabi ni Jay-R.



Ayon kay Jay-R, si Liza raw ang nag-aasikaso ng finances ng itinayong bar ni Jay-R na Rock Candy. Ayon kay Jay-R ay strict daw si Liza kapag ang usapan ay tungkol sa kinikita at nagagastos ng bar. Ipinagkatiwala nga niya ito sa kanyang girlfriend dahil alam niyang marunong itong mag-asikaso sa kita at gastos ng bar.



Samantala, ilang beses nag-deny si Jay-R na ka-live-in na nito ang kanyang girlfriend. Pero nang tanungin ng reporters si Liza kung saan siya umuuwi ngayon dahil naka-base na siya sa Pilipinas, tumingin lang siya kay Jay-R at nagngitian silang dalawa.



Biro nga ng mga reporters ay baka umuupa ng kuwarto si Liza sa bahay ni Jay-R. Hindi nga naman live-in ang tawag doon kung nangungupahan siya, di ba?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN