"Gokada Go" stars Kim Chiu and Gerald Anderson say there's no real-life love-triangle


"Actually, I don't want to react on that issue kasi di naman totoo. At the same time, I think it's just a gimmick for Gokada Go kasi ka-love triangle namin siya ni Gerald [Anderson]," says Kim Chiu about rumors linking her to kart racer Matteo Guidecelli (not in photo).


Sa kabila ng patuloy na pagde-deny nina Kim Chiu at Gerald Anderson na wala pang special relationship na namamagitan sa kanila, marami pa rin ang naniniwala na itinatago lang talaga nila ang kanilang relasyon.



Nabalita noon na madalas raw napagkikita na dumadalaw ang young actress sa condo unit ng binata. Naging issue rin noon na ayaw raw ng father ni Kim kay Gerald, pero dahil sa effort ng young actor para makuha ang tiwala ni Mr. Chiu ay naayos naman daw ang dapat ayusin sa dalawa.



Malaking palaisipan nga lang kung bakit sa kabila ng pagtanggap ng publiko sa tambalan nila ay patuloy pa rin diumano sila sa pagde-deny. Ipinagkibit-balikat na lang tuloy ng iba na maaaring may rason talaga sina Gerald at Kim to have this kind of set-up.



Ngayon naman ay nababalita na pinopormahan daw ng kart racer at ngayo'y nag-aartista na rin na si Matteo Guidecelli si Kim, isang bagay na tiyak daw na magiging ugat na pagtatampuhan nina Kim at Gerald. Magkakasama ang tatlo sa youth-oriented ABS-CBN show na Gokada Go.



Sa magkahiwalay na panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kina Kim at Gerald ay agad naming silang hiningan ng reaksiyon tungkol sa nasabing balita.

"Ewan ko, hindi ko alam ang tungkol sa issue na ‘yan. Siguro kung may dapat mang tanungin about that, it's Matteo. Sa pagkakaalam ko, he has a girlfriend. So parang malabo yata na ligawan niya si Kim. Actually, close kami ni Matt. Lagi kaming magkasama sa taping and mag-best friend nga ang role namin in Gokada Go," pahayag ni Gerald.

Ano naman kaya ang magiging reaksiyon ni Gerald kung nag-break si Matteo at ang girlfriend niya at ligawan ng kart racer si Kim?

"Wala akong magagawa kung siya ang gusto ni Kim. Kung sa kanya masaya ‘yong tao, ano ang magagawa ko? As of now kasi, Kim and I enjoy each other's company talaga. We don't want to rush things kasi ang focus namin ay ang mga career namin. I'm hoping na sana nga mauwi sa mas malalim na relationship, let's just wait and see. Di naman kami nagmamadali," sabi ng young actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinang-ayunan din ni Kim ang pahayag ni Gerald na may special someone na si Matteo.



"He has inspiration in his life right now," sabi ni Kim. "Nabanggit niya sa akin ‘yon pag nagkakapag-usap kami sa taping, naikukuwento niya sa amin.



"Actually, I don't want to react on that issue kasi di naman totoo. At the same time, I think it's just a gimmick for Gokada Go kasi ka-love triangle namin siya ni Gerald," pambubuko ng young actress.

Nang tanungin namin si Kim kung sino ang mas close at mas special para sa kanya between Gerald and Matteo, walang pagdadalawang-isip na si Gerald ang isinagot ng young actress.



"Siyempre si Gerald!" mabilis niyang tugon. "Matagal na kaming magkakilala ni Gerald and I can say he's someone that I really trust in this business. Ilang days pa lang naman kami nagkakasama ni Matteo, so mahirap sabihin na kilalang-kilala ko na talaga siya just like Gerald."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN