Dingdong Dantes preparing to be physically fit and sexy for "Marimar"


Dingdong Dantes hoped to work work with Angel Locsin (right) for Marimar but he will probably have Marian Rivera (left) instead as leading lady in the forthcoming telenovela.


Kinumpirma ni Dingdong Dantes sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na siya ang gaganap sa papel ni Sergio Santibañez, ang leading man ng bidang si Marimar sa gagawing Pinoy version ng GMA-7 ng nasabing hit Mexican telenovela of the ‘90s.

Hindi pa sigurado si Dingdong kung sino ang gaganap na Marimar dahil ang alam niya ay lalabas pa lang daw anytime soon ang resulta ng isinagawang audition for the said role.

Nabanggit sa kanya ng PEP na ang young actress na si Marian Rivera ang pinakamatunog sa mga nag-audition—which included Dingdong's girlfriend Karylle—at malamang ito ang maging kapareha niya sa nasabing teledrama.

"Narinig ko nga rin na si Marian daw. Walang problema sa akin kung sinuman ang maging Marimar," sabi ni Dingdong nang makausap siya ng PEP just this afternoon sa solo press con niya bilang direktor ng "Daddy's Angel," na isa sa tatlong episodes ng pelikulang Angels ng Eagle Eye Productions to be shown on June 20.

Si Angel Locsin ang sinasabing original choice ng Siete to play Marimar, pero dahil sa conflict sa schedule ay hindi nito tinanggap ang project. First time sana ito na magtatambal sina Angel at Dingdong.

"Siyempre, hoping din ako na sana maging si Angel [ang ka-partner ko]. Of course, nanghinayang din ako because I was really expecting na magiging siya. E, hindi pala," pahayag ng young actor-director.

Na-disappoint ba siya na hindi natuloy ang team-up dapat nila ni Angel?

"Hindi naman. Kasi nakasama ko na siya rito sa Angels, e. Although hindi nga lang kami nagkatrabaho sa isang episode," sagot niya.

Tampok si Angel sa first episode ng Angels entitled "Angel of Mine" and directed by Ms. Gina Alajar. Angel is also one of the film's producers.

Hindi raw napanood noon ni Dingdong ang Marimar sa TV, pero naikuwento na ito sa kanya ng Mommy niya at mga kapatid who were avid followers of Marimar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Excited ako kasi, I really believe it will click," sabi niya. "Kasi, pre-sold na ‘yan, e. Kumbaga sa karera, may plus na siya, di ba? Ang gagawin ng GMA is medyo modern ‘yong approach at hindi siya based doon sa hindi angkop sa kultura natin. Pinoy-based pa rin."

Nabanggit na rin daw sa kanya na laging nagpapa-sexy ang karakter niyang si Sergio, originally played by Mexican hunk Eduardo Capetillo.

Ang tanong ngayon ng marami ay kung willing din ba siyang magsuot ng swimming trunks just like his Mexican counterpart.

"Depende, pag nag-shoot na kami at maganda ang itsura, go! Kung hindi, e, di huwag," napapangiting sagot niya.

At 26 years old ay mukhang mas daring na ngayon si Dingdong. In fact, he told us na payag na siyang magpa-sexy kung kinakailangan.

"Oo, puwede na. Kaya lang, walang kakasyang trunks [sa akin], e!" hirit niya, sabay tawa.

Talaga? Anong ibig niyang sabihin na walang kakasyang trunks sa kanya? Sobrang laki ba?

"Kasi, ‘yong waistline ko, malaki!" natatawang sagot niya.

Magpapaganda raw muna siya ng katawan to make sure na physically fit siya pag nagsimula na ang Marimar.

Papayag kaya ang girlfriend niyang si Karylle na mag-skimpy trunks siya?

"Siya na lang ang pumili ng trunks [na susuotin ko] para pag dumating ‘yong pagkakataong ‘yon, walang sisihan," nakangiting sagot ni Dingdong.

Present daw si Dingdong during the auditions para sa role ng Marimar, pero nakatago raw siya para huwag mailang ‘yong mga girls na usually ay very sexy ang outfits while doing their sing-and-dance routines. He believes na importante ang isinagawang auditions para makasiguro ang GMA-7 sa pipiliin nila para sa pinag-aagawang female lead role.

Excited din si Dingdong that he will be working soon with Direk Joyce Bernal, na nakatrabaho niya sa directorial debut nito na I'm Sorry My Love (1998) with Judy Ann Santos, Onemig Bondoc, Gladys Reyes, and his former flame Antoinette Taus.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN