Star Magic talent Dominic Ochoa pleads for regular ABS-CBN show


"Kung ano ang gusto nila sa akin, sige. Pero kung hindi at ayaw nila, di ko ipagpipilitan ang sarili ko," says Dominic Ochoa.


Nakapagtataka na bagama't isa sa pinakaunang talents ng Star Magic ay mukhang lie low at hindi gaanong aktibo sa telebisyon ngayon ang aktor na si Dominic Ochoa.

Kung hindi dahil sa Shall We Dance ng ABC-5 at ilang produkto na ini-endorse niya, isa sana si Dominic sa mapakaraming artista na walang trabaho at nakatengga lang.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Dominic, ang suporta ng ABS-CBN at mabigyan siya ng shows kung saan mailalabas ang mga produktong ini-endorse niya ang panawagan ng aktor.



"I just hope na itong mga advertisers, ‘yong mga kumpanyang ito na pinagkakatiwalaan ka, sana pagkatiwalaan din naman sila ng pinagtatrabahuhan ko. They did ask where do they put the commercials, kung saan nila ilalagay, wala naman akong maibigay na show. Sa akin, sana suportahan lang kumbaga.



"Kung ano ang gusto nila sa akin, sige. Pero kung hindi at ayaw nila, di ko ipagpipilitan ang sarili ko. I'm more aware now sa kung ano ang mga kailangan ko, it's not like before na puwede akong mag-relax-relax. Nakita ko kung gaano karami ang mga taga-Star Magic. At least may edge na kami dahil nauna kami, but you also have to maintain it," pahayag ni Dominic.

Sa kabila nito, Dominic is thankful na kahit wala siyang regular show sa kanyang mother network ay nakaka-survive pa rin siya.



"If we're talking about financial matters, it's still the same," paniniguro ni Dominic. "I'm checking my account last year, okay naman siya. Ganun pa rin, regular show lang ang nawala. Maybe because of the endorsements, it really helps a lot."

Medyo lie low man ang career niya ngayon, masaya naman daw ang two-and-a-half years relationship ni Dominic sa kanyang non-showbiz girlfriend. Ayon sa kanya, kung magtutuluy-tuloy ang maganda nilang samahan, puwede itong mauwi sa kasalan.



"I'm happy," nakangiting pahayag ni Dominic. "She's a stylist, a make-up artist, and a commercial model. Kung mgtutuluy-tuloy, bakit hindi kami magpapakasal? We're not getting any younger, she's a little bit younger lang sa akin, but only time will tell. We jive, importante ‘yon sa akin kasi mahirap humanap ng isang tao na makaka-jive mo talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN