Valerie Concepcion hopes to be in FHM's Top 10 Sexiest Women


"Actually dati, ang feeling ng mga tao, ang taba-taba ko dahil nanganak ako. So at least now, makikita nila ako, na sa dinami-dami ng artista, makakasama ako sa Top 100. So, okay na ‘yon," says Valerie Concepcion.


Isa si Valerie Concepcion sa mga strong contenders bilang Sexiest Woman ng top men's magazine na FHM. Kaya sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Valerie ay tinanong namin kung may kaba ba siyang nararamdaman habang papalapit na ang announcement ng Top 100 Sexiest Women ng FHM this July.

"Ah, hindi! Hindi ko naman hinangad na mag-number one. Hindi ako nangangarap na maging Top One. Top 10 gusto kong masama, pero ‘yong Top One, hindi ako nangangarap," nakangiting pahayag ni Valerie.

Ayon sa pinakahuling tabulation ng FHM, ang mga leading so far ay sina Angel Locsin, Katrina Halili, at Ehra Madrigal.

"Okay na ako sa Top 10," sabi ni Valerie. "Pero kung hindi pa rin ako mag-Top 10, okay na rin na nakasama sa Top 100. Kasi, actually dati, ang feeling ng mga tao, ang taba-taba ko dahil nanganak ako. So at least now, makikita nila ako, na sa dinami-dami ng artista, makakasama ako sa Top 100. So, okay na ‘yon."

Kuwento ni Valerie, noon daw naging cover girl siya ng FHM ay nakatanggap siya ng obscene phone calls at text messages. Hanggang ngayon ba ay meron pa rin siyang natatanggap na mga ganito?

"Ngayon wala na," sagot niya. "Minsan lang ‘yon. Hindi ko naman sinagot kaya hindi na naulit ‘yon."

Ano pa ang kaya niyang gawing pagpapaka-daring after FHM?

"I don't know!" tili niya. "Hindi ko alam kasi, di ba, nag-pose na rin ako for Maxim? Tapos wala pa naman akong natatanggap na role na talagang kailangan na sexy talaga ako sa mga eksena.

"Pero hindi ko pa yata kaya, pero I'm not closing my doors kasi. Actually, I'm open to everything. Mag-inarte pa ba tayo? So I'm open for everything naman."

Bakit hindi muna ngayon?

"Parang hindi ko pa carry, na huwag namang pabigla-bigla. Mas maganda siguro paunti-unti. Wala namang biglang dyarannn!" pagpapatawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama si Valerie sa main cast ng Sine Novela ng GMA-7 na Sinasamba Kita at kasama rin siya sa pelikulang Angels.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN