Erik Santos on his relationship with Rufa Mae Quinto: "We're fixing it."


"Nasa stage kami ng we are okay pero binabalik po namin ‘yong intensity ng pagmamahalan namin," explains Erik Santos about the current status of his relationship with Rufa Mae Quinto.



As promised, nagpaunlak ng exclusive interview si Erik Santos sa PEP (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng kanyang live guesting sa The Buzz last June 17. Hindi itinanggi ni Erik na dumaan sa bagyo ang relasyon nila ng kasintahan niyang si Rufa Mae Quinto. Ayon sa singer, kapag dumadaan daw sa bagyo ay hindi naman agad nagiging maayos ang lahat.



"Unti-unti mo ‘yang lilinisin," sabi ni Erik. "Unit-unti ‘yang malilinis, e. Hanggang ngayon, nandun kami sa stage na ‘yon. Kaya nga ang sabi ko, ang magandang nangyari sa relasyon na ito, e, may respeto kami sa bawat isa."



Feeling ni Erik, nasa more mature level na ang relasyon nila ngayon at mas nag-grow na sila ni Rufa Mae.



Ayon sa kanya, "Hindi naman kaming-kami pa rin, pero nagkakaintindihan kami. Mahal namin ang isa't isa. Pero siyempre, hindi naman ganun kadaling sabihin na, ‘Oy, kami na agad. Kami na ulit. We're very okay.' Hindi ganun, e. Kumbaga, ‘yon nga, we're fixing it. Inaayos naming lahat ng mga nagulo. Kumbaga, unti-unti naming bini-build ‘yong na-established namin na relasyon."

Ibig sabihin, nag-break talaga sila ni Rufa Mae?

"Sort of," seryoso niyang pahayag.

May mutual agreement ba sa naganap na break-up nila?

"Kasi parang minsan, hindi mo ma-explain na nangyayari na pala," sabi niya. "Minsan wala kang formal confirmation na break kayo. Puwedeng sa babae break na, pero sa akin hindi pa pala. Di ba, may mga ganun?

"So kumbaga, miscommunication po talaga ‘yong nangyari sa amin. And kaya ko nasabi na sort of, talagang dumating kami sa point na feeling naming bibitaw na kami pareho, e."

LACK OF TIME. Marami raw ang naging dahilan ng break-up nila ni Rufa Mae, pero nakiusap si Erik na sa kanila na lang daw ‘yon. Although sinabi ni Rufa Mae sa huling interview ng PEP sa kanya na wala na silang time ni Erik para sa isa't isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"One of the reasons ‘yon po talaga," pag-amin naman ni Erik. "Pag nandito ako, wala siya. Pag nandito siya, ako naman ang wala. Kumbaga, we are both very busy and masyado kaming na-suffocate sa isa't isa. Naging routinary na ‘yong pagsama namin. Alam mo ‘yong wala ng space para mag-isip para sa sarili mo?"

SAY & TWO MARKS. Mariin ding sinabi ni Erik na walang kinalaman ang mga taong iniuugnay sa kanila ni Rufa Mae, gaya nina Say Alonzo, Mark Bautista, at Mark Herras.



"Si Say, hindi ko alam kung kanino nagsimula. Pero si Say is one of our closest friends and napakabait niyang tao," sabi ni Erik.



"Si Peachy [palayaw ni Rufa Mae] siguro nagulat lang din siya about ‘yong isyu sa amin ni Say. Actually, noong madaling-araw na tinawagan niya ako, sabi niya, ‘Baby, sorry, pero parang... Sorry, pero I trust you, pero...' Hindi doubts. ‘Naapektuhan ako, pero alam ko wala talaga.' Parang may ganun.



"Iyong kay Mark Bautista, I have no idea," patuloy niya. "Close kami ni Mark. And halos lagi kaming magkasama sa tour, sa ASAP. That I do not know. Hindi ko pa talaga alam kung saan nanggaling."



Hindi rin niya alam kung saan nanggaling ‘yong kay Mark Herras. Hindi rin daw siya nagtanong kay Rufa Mae about the young actor.



"Alam mo, kaya hindi ako nagtatanong kasi I trust her," sabi ni Erik tungkol sa kanyang girlfriend. "I know na mag-isyu man ‘tong kahit na sinong lalaki ‘to, alam ko hindi totoo. Dahil I trust her. Hindi ako nagtatanong. Kasi kung magtatanong ka, isang sign na ‘yon na nagda-doubt ka. E, ako, hindi ako nagda-doubt sa kanya."



ERIK'S SILENCE. Bakit tumahimik siya noong kainitan ng isyu ng hiwalayan nila ni Rufa?



"Kasi nirerespeto ko si Peachy," sagot niya. "Hindi naman niya sinabi na huwag magsalita. Naging desisyon ko ‘yon na manahimik muna, hindi lang sa press. Nanahimik ako kahit sa mga kamag-anak ko, kahit sa ilang kaibigan na nagtatanong. Wala akong sinagot. Maski si Tito Boy [Abunda, Erik's talent manager] hindi ko kinausap regarding the issue.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I want to think. Gusto ko kung anuman ‘yong nararamdaman ko, hindi maimpluwensiyahan ng sinasabi ng sinumang tao. And it's my way of, kumbaga, ma-realize mo ‘yong mga bagay-bagay sa buhay mo. Kung tama pa ba ‘tong ginagawa ko.

"Is it right na ipagpatuloy pa ba ang relasyon? Is it right na maghiwalay na lang para sa ikabubuti ng dalawang tao? Pag ganun kasi, tahimik. Turn-off mo ‘yong phone mo, makakapag-isip ka, e. Noong mga times na ‘yon, wala akong ibang kasama kundi pamilya ko tsaka ang mga kaibigan ko."

Kailan siya tumigil sa pag-iisip?

"Tumigil akong nag-isip noong handa na akong kausapin si Peachy. I'm not sure kung [June] 14 or 15. Basta after the anniversary namin nung June 13. Dumating ako from Singapore noong [June] 12, pero nag-away na kami nung Tuesday.

"So [June] 13, 14, wala kaming communication and ‘yon po ‘yong masakit doon. Actually, desisyon ko na rin po na walang mangyari sa anniversary namin kasi nga masyado na rin po akong... kailangan ko na ring mag-isip," kuwento ni Erik.

THE RECONCILIATION. Paano sila nagkabalikan?

"Sabi ko, ‘Baby, let's talk.' Sa text po ‘yon. Then, pumunta ako sa bahay niya and we talked. Naayos naman po.

"Actually, noong kinagabihan, ang haba-haba naming nag-usap. Confrontation talaga. Ang haba, hindi pa rin masyadong malinaw. Kinabukasan, usap ulit. Haba, hanggang sa hindi pa rin masyadong malinaw.

"Hanggang sa nung hapon, ‘Baby, do you still love me?' ‘Yes, of course, I do.' ‘Ikaw, mahal mo pa ako?' ‘Yes, of course.' And then, ‘Let's start anew.'

"So, kumbaga, nasa stage kami ng we are okay pero binabalik po namin ‘yong intensity ng pagmamahalan namin. Kumbaga, kung anuman ‘yong nawala noon, unti-unti po naming ini-improve kung ano ‘yong kakulangan namin sa isa't isa. At imi-maintain namin kung ano ‘yong strength nung relationship namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



FIRST ANNIVERSARY. Hindi nila pinag-usapan ang kanilang first anniversary?



"Pero I gave her a ring," singit ni Erik. "Tsaka ‘yong scrapbook. Ginawa ko ‘yan since November [2006]. Natapos ko ‘yon nung day nung [June] 12. Naibigay ko nung nag-confrontation kami. Sabi ko sa kanya, ‘Baby, happy anniversary.' Then I gave her the ring. Iyak siya.



"Actually, I bought it in Hong Kong nung nag-tour ako doon. It's a ring na parang kasi it's very Peachy. May bulaklak na puro diamonds."



Magkano ang halaga ng singsing?



"Huwag nating pag-usapan. But it's quite expensive. Kaya ko binili ‘yon kasi she deserves that," sagot ni Erik



May six figures?

"Oo naman. Mayaman ako, e!" sabay tawa niya.

Ano naman ang ibinigay sa kanya ni Rufa Mae?

"Ah, ‘eto po," sabay hila ni Erik sa nakatagong kuwintas niya. "May diamonds siya. Tsaka she gave me a watch. Sa Hong Kong din yata niya binili. Ang name ng watch is Panerai. At mahal din ‘yon! Dahil mas mayaman si Rufa sa akin!" tawa ulit niya.

THE SCRAPBOOK. Pero ang pinakamahalaga raw ay ‘yung scrapbook na regalo niya kay Rufa Mae. Ibinuking si Erik sa amin ng eldest sister niya na habang ginagawa niya ang nasabing scrapbook sa Tagaytay ay umiiyak siya.

"Eto naman binuko pa ‘yong Tagaytay!" sabi ni Erik sa kanyang Ate.

"We went to Tagaytay dahil sobrang depressed ako," kuwento ni Erik. "Tinawagan ko ‘yong mga best friends ko, mga dentistry students, na talagang maituturing ko na matalik kong kaibigan at ang Ate ko na sobrang close sa akin.

"Ang laman noon ay simula nung nag-start kami [ni Peachy]—‘yong first kiss sa concert namin, nung nasa Hongkong kami, nasa Bangkok kami, ‘yong mga pictorial ko sa kanya. Everything is there," lahad ni Erik.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN