Ethel Booba accepts apology of bar tormentors


"Iyong sapatos ko, hinubad ko, ipapalo ko sana pero nag out-balance [sic] ako. Siya 'yong nakapulot [ng sapatos] tapos hinampas niya ako. Dito tumama [pointing to her upper lip]," narrates Ethel Booba.


Nadatnan ng GMA News at PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon ng umaga, June 18, sa Police Station 10 sa Kamuning ang sexy comedienne na si Ethel Booba.

Inirereklamo kasi ni Ethel ang dalawang babae na umaway diumano sa kanya sa Decade's Bar sa Roces Avenue bandang madaling-araw.

Ayon sa kuwento ni Ethel, nagkakasiyahan daw sila ng ilang kamag-anak at mga kaibigan nang bigla raw nagparinig ang dalawang babae na nakaupo sa bar.

"Nung napadaan ako sa bar, narinig ko 'yong dalawang babae sinabi, sumigaw, 'My God! Ibang lalaki na naman ang kasama,'" kuwento ni Ethel.

Ikinapikon daw ito ng sexy comedienne kaya't kinumpronta niya ang dalawang babae. Nauwi ito sa sigawan at sa isang punto, nagkasakitan pa sila.

"Iyong sapatos ko, hinubad ko, ipapalo ko sana pero nag out-balance [sic] ako. Siya 'yong nakapulot [ng sapatos] tapos hinampas niya ako. Dito tumama [pointing to her upper lip]," litanya ni Ethel.

Putok ang upper lip ni Ethel. Ang ikinalulungkot daw niya ay "kakapagawa" pa lang niya ng kanyang labi. Gagastos daw ulit siya ng P35,000 para mapagawa uli ito.

Hinintay pa raw ni Ethel ang kanyang mga kaaway na makalabas ng bar. Humantong pa ito sa habulan kung saan nasangkot pa ang isang taxi. Minaneho pa raw ng mga nakaaway ng komedyana ang isang taxi para makalayo kay Ethel.

Sa interview ng nakaaway ni Ethel, sinabi nitong ginawa lang daw nila iyon dahil sa takot na makuyog sila ng grupo ng komedyana.

Ayon naman sa chief ng Women's Desk ng police station na si P/Insp. Corazon Sandoval, nagkabati raw ang magkabilang kampo matapos ang ilang oras.

Pati raw ang taxi na naperhuwisyo, na-settle din.

"After explaining both sides, na-settle sila. They settled amicably. Kasama rin sila papunta sa garahe para i-settle yung damages kasi nasira yung bumper [ng taxi]," ayon kay Police Inspector Sandoval.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May punto pa raw na humagulgol ang nakaaway ni Ethel. Naawa naman daw ang sexy comedienne.

"Sabi ko sa kanila, 'Alam ninyo, hindi ko kayo kilala, pero ako hindi ako palaaway na tao. Saka alam ninyo sa sarili ninyo na kayo ang nauna.' So nahiya na rin sila at nag-sorry 'yong dalawa," kuwento ni Ethel.

Dagdag pa ni Ethel, hindi raw naging parehas ang trato ng mga bouncers ng bar. Imbes na awatin silang pareho ng nakaaway niya, tanging siya lang ang inawat at pinalabas ng bar.

"Gusto ko kayong humingi ng public apology na bakit naging bias ang mga bouncer niyo," reklamo ni Ethel.

Ayon pa sa komedyana, hindi na raw siya magpa-file ng kaso laban sa nanakit sa kanya at sa may-ari ng bar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN