"The Buzz" bosses clarify Kris Aquino's withdrawal from the show


Starting June 24, Kris Aquino will be permanently replaced by Ruffa Gutierrez in The Buzz.



Mamayang tanghali, June 19, ang press launch para kay Ruffa Gutierrez bilang official replacement ni Kris Aquino sa The Buzz starting on Sunday, June 24. Dito na rin pormal na iwe-welcome si Ruffa bilang certified Kapamilya star.



Inaasahan na uulanin ng tanong si Ruffa tungkol sa hindi matapos-tapos na isyu sa kanila ng Turkish husband niya na si Yilmaz Bektas. Lilinawin din ni Ruffa ang pagpalit niya kay Kris bilang host ng The Buzz.



Inaasahan din na sa press con ni Ruffa na mabibigyan ng linaw kung ano ang tunay na pangyayari at mga dahilan kung bakit pinili ni Kris ang hindi na bumalik sa The Buzz.



Kalat na kalat na kasi ang balitang dahil sa co-host niya na si Cristy Fermin ang dahilan kaya nagdesisyon si Kris na huwag nang bumalik sa naturang showbiz talk show. Sobrang sakit pa rin daw ng kalooban ni Kris dahil sa mga inilabas ni Cristy tungkol sa kontrobersiyang James Yap at Hope Centeno.

Kasunod nito ang pagkalat ng tsismis na tatanggalin dapat ang TV host-entertainment columnist sa show para bumalik si Kris. Pero hindi ito natuloy dahil si Boy Abunda diumano ang kumausap na manatili si Cristy sa show.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang business unit head ng The Buzz na si Louie Andrada at creative consultant ng show na si Roxy Liquigan sa ABS-CBN kagabi, June 18. Nilinaw nina Louie at Roxy ang tunay na dahilan ng pagtanggi ni Kris para bumalik sa show.



"Hindi umabot sa ganun [tanggalin si Cristy] kasi nga hinihintay naman talaga ang desisyon ni Kris. Na mas gusto na lang niya i-spend ang time niya for The Buzz para sa anak niya [Baby James]," pahayag ni Louie.



Never din daw inisip ng production na alisin si Cristy sa show dahil kinu-consider din nila ang kontribusyon nito sa The Buzz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Wala bang ni-request si Kris para lang bumalik siya sa show?



"Wala," sagot ni Louie. "Actually, wala siyang binanggit about kay Tita Cristy. Ang sinabi lang niya, gusto lang niyang bumalik ng Buzz dahil kay Boy. Pero ang gusto niya rin siyempre, bagong nanay na siya ulit, ang gusto niya talaga maka-spend ng time sa anak niya. So torn siya between her relationship with Boy at doon sa anak niya. E, siyempre, mas dun siya sa anak niya."



Dahil sa pag-alis ni Kris sa The Buzz, lumilitaw lang daw na hanggang ngayon ay may samaan pa rin sila ng loob ni Cristy.



"Honestly, hindi ko masasagot ‘yung tungkol kay Kris at kay Tita Cristy kasi labas kami doon. Kasi hindi talaga namin alam kung ano ang pinagmulan niyan. But personally, alam namin na eventually magkakabati rin sila," paglilinaw pa nina Louie at Roxy.



Nakakuha rin kami ng impormasyon mula sa isang source na si Kris pa diumano ang nagsakripisyo para lang huwag mawala si Cristy sa The Buzz. At the same time, nakita rin daw ni Kris ang kakayahan ni Ruffa as a host. Kaya para lahat happy, si Kris na lang daw ang nagparaya at saka siya inisipan ng ibang konsepto na programa sa ABS-CBN.

Bukod sa Kapamilya Deal Or No Deal, magkakaroon ng dalawang bagong shows si Kris sa ABS-CBN. Isa na rito ang morning talk show nila ni Boy na Boy & Kris, at isang lifestyle show.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN