Kim Chiu—the reluctant commercial princess


"Heart Evangelista (right) na po siya. Ako po, nagsisimula pa lang po ako... Nagkakataon lang po na, kahit paano po, nagkakasunud-sunod ‘yong mga endorsements ko. Pero hindi pa po ako puwedeng i-compare kay Heart. Malayo pa po," says Kim Chiu (left).


Hindi na mabilang ni Kim Chiu ang kanyang product endorsements. Isa sa latest endorsement ng young actress ay ang Unisilver, kasama ang ka-loveteam and rumored boyfriend niya na si Gerald Anderson, gayundin sina Sam Milby at Jay-R.



"Ay, hindi ko po alam ‘yon!" ang madalas marinig ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Kim kapag iniintriga ito sa ibang artista.



Tulad na lang sa naging pahayag ng may-ari ng Unisilver na nakaapekto raw talaga ang nangyaring break-up nina Jennylyn Mercado at Mark Herras during the time na endorsers pa nila ang dalawa. Kaya this time, sina Kim at Gerald ang bagong loveteam na kinuha nila para mag-endorse ng naturang produkto.



Mariin ding itinanggi ni Kim nang sabihin sa kanya na tila siya na ang pumalit sa dating trono ni Heart Evangelista na siyang may pinakamaraming endorsements among Star Magic's female contract stars.



Mula kasi nang mawala si Heart sa Star Magic at lumipat sa Genesis, tila si Kim naman ang naging mabenta sa mga advertisers. Halos sunud-sunod kasi ang TV commercials niya na ipinapalabas, bukod pa sa mga billboards and print ads niya.



Si Kim na nga ba ang bagong Commercial Princess?



"Hindi po, hindi po totoo ‘yon. Wala pong ganoon," tila hiyang-hiya pa niyang pagtanggi.

"At saka, Heart na po ‘yon. Heart Evangelista na po siya. Ako po, nagsisimula pa lang po ako. Hindi po talaga ganun. Nagkakataon lang po na, kahit paano po, nagkakasunud-sunod ‘yong mga endorsements ko. Pero hindi pa po ako puwedeng i-compare kay Heart. Malayo pa po."



Samantala, naikuwento rin ni Kim na nakaka-kalahati na raw sila ni Gerald ng shooting ng launching movie nila sa Star Cinema, ang I've Fallen For You under the direction of Lino Cayetano. By the end of July ay posibleng simulan na rin daw nila ni Gerald ang pagte-taping naman ng kanilang bagong soap opera sa ABS-CBN bilang follow-up sa very successful na Sana Maulit Muli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN