Bong Revilla's leading lady in "Resiklo": Jennylyn Mercado in, Roxanne Guinoo out


Jennylyn Mercado (right) is reportedly replacing Roxanne Guinoo (left) as Bong Revilla's leading lady in the movie Resiklo.



Sa pamamagitan ng isang reliable source, nalaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na kinukuha ni Bong Revilla si Roxanne Guinoo para maging leading lady niya sa Resiklo, ang entry ng Imus Productions at Ignite sa 2007 Metro Manila Film Festival (MMFF). Ang toxic schedule lang daw ni Roxanne ang problema.



Sinegundahan ni Direk Mark Reyes, direktor ng Resiklo, ang unang ibinalita ng PEP tungkol kay Roxanne na posibleng makapareha ni Bong sa MMFF official entry. Ang schedule pa rin ng dalaga ang pipigil para hindi matuloy sa kanya ang project.



Binanggit ni Direk Mark ang Wowowee, kung saan co-host si Roxanne, ang pagbibidahan ng young actress na Natutulog Ba Ang Diyos? at iba pang projects na magiging hadlang para hindi nito matanggap ang pelikula.



Kagabi, June 18, nakatanggap ng tawag ang PEP from a source at ibinalitang hindi na si Roxanne ang leading lady ni Bong sa filmfest entry nito kundi si Jennylyn Mercado. Nagpaalam daw si Jennylyn sa Regal Entertainment bago tanggapin ang offer dahil contract star siya ni Mother Lily Monteverde. Dahil wala pa naman siyang project for MMFF, pinayagan munang gumawa ng pelikula sa labas si Jennylyn.



Naaalala ng PEP ang ibinalita ni Direk Mark na last week ng June ang start ng shooting ng Resiklo para hindi sila gahulin sa oras dahil madugo at malaking pelikula ito. Ang alam ng PEP, aalis sa July 4 si Jennylyn kasama ang ibang cast ng Angels para dumalo sa US premiere ng nabanggit na pelikula. Pupunta ang cast sa San Diego, Los Angeles, Las Vegas, at San Francisco, kasama si Jennylyn.

Pero two weeks lang mawawala si Jennylyn at hahabol sa shooting ng Resiklo, kahit huling kunan ang kanyang mga eksena. Sa laki ng cast, puwedeng ang ibang mga artista ang unahing kunan ni Direk Mark at pagdating na lang ni Jennylyn i-schedule ang shooting niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Excited na ang mga nakakaalam sa pagtatambal nina Bong at Jennylyn sa Resiklo. Wish nilang hindi na mabago at hindi na palitan ang young actress-singer.

Incidentally, bukod sa magkalaban ang TV networks nina Jennylyn (GMA-7) at Roxanne (ABS-CBN) ay pareho rin silang produkto ng artista search—si Jennylyn ay kauna-unahang Ultimate Female Survivor ng StarStruck samantalang si Roxanne naman ay runner-up sa Star Circle Quest.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN