Maui Taylor still mad at Mo Twister


"Naku, mahirap katrabaho lolo mo! Masyadong mahangin. What's new? Lahat ng babae niyang radio partner pinapaiyak at binu-bully niya," complains Maui Taylor about DJ Mo Twister.


Birthday ni Maui Taylor this June 28. Hindi alam ng karamihan na that day pa lang dapat magre-resign ang sexy star sa morning radio show ni Mo Twister na Good Times With Mo. Taken in as a replacement to Andi9 when the lady DJ resigned, umabot si Maui ng four months sa radio program ni Mo.

The week before she left the show, nagkasagutan ang dalawa for Maui's absences. Bagama't nagpaalam naman si Maui na baka hindi niya kayaning maging daily during the election period dahil may mga kinakampanya siyang kandidato, ang request naman ni Mo ay ipagpaalam ng isang araw man lang kung a-absent siya. Sa last absent ni Maui, hindi siya nakapagpaalam.

"Biglaan kasi ‘yon, so that day ko lang sila na-text that I won't be coming," paliwanag ni Maui sa PEP (Philippine Entertainment Portal) thru text.

Still, pinagalitan pa rin siya ni Mo on-air, forcing her to resign earlier than scheduled.

"Naku, mahirap katrabaho lolo mo! Masyadong mahangin. What's new? Lahat ng babae niyang radio partner pinapaiyak at binu-bully niya.

‘Tapos dapat June 28, which is my birthday, pa ako magre-resign. Aba, pinabilis niya! Tama ba ‘yon? A--hole siya, sobra!" himutok ni Maui.

Nag-apologize din on air si Mo kay Maui.

"Yeah, he apologized naman but masama pa din ang loob ko sa kanya," sabi ni Maui.

May tinanong pa kami kay Maui concerning her spat with Mo, pero hindi niya na sinagot.

"Naku huwag na natin siya pag-usapan, friend, baka sumikat pa. Laki na nga ng ulo, e," pakiusap ni Maui.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN