Rufa Mae Quinto touched by Erik Santos's teary interview on


Rufa Mae Quinto and boyfriend Erik Santos were supposed to have met last Sunday after their respective interviews at Showbiz Central and at The Buzz. But due to Rufa Mae's sked, their meeting did not push through, keeping them from ironing out their problems.


Naudlot na naman ang dapat sana'y schedule ng paghaharap at pag-uusap ng magkasintahang Rufa Mae Quinto at Erik Santos.

Hindi natuloy ang pagkikita ng dalawa noong Linggo, June 17, matapos iyakan ni Erik ang gulo sa relasyon nila ng sexy comedienne sa showbiz talk ng ABS-CBN na The Buzz. Nasa Showbiz Central ng GMA-7 naman si Rufa Mae at sinikap na itago ang tunay na rason ng problema nila ng boyfriend.

After ng guesting nina Rufa Mae at Erik sa magkalabang talk shows, pinag-usapan ng dalawa na magkita finally at mag-usap. Pero sa hindi malamang dahilan, bigla itong nakansela at nagkanya-kanya sila ng lakad.

Sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Rufa Mae, inamin nitong nakansela nga ang date nila ni Erik. Ang sunud-sunod na schedules ng sexy comedienne last Sunday ang rason ng pagkakaudlot ng kanilang date. Hindi raw niya kayang kanselahin ang kanyang mga natanguang commitments.

Kahapon, June 18, habang kausap ng PEP sa telepono si Rufa Mae—nasa taping siya ng Bubble Gang noong mga sandaling iyon—hindi pa niya masiguro kung pagkatapos ng taping niya ay maghaharap na sila ng kasintahan para ayusin ang kanilang problema.

Mula mismo kay Rufa Mae, hindi pa raw sila ganap na "break" ni Erik. Ito nga ang gusto niyang maliwanagan sa kasintahan.

Hindi raw kasi naniniwala ang aktres sa "cool off" dahil pang-teenagers lang daw ito. Gusto niyang magkaliwanagan sila ni Erik kung maghihiwalay ba sila o hindi.

Kung babasahin ang mga statement ni Rufa Mae sa aming interview, gusto niyang bigyan ng panibagong chance ang kanilang relasyon ni Erik.

Kailangan lang nilang pag-usapan ang mga problema nila, maliban sa kawalan nila ng panahon sa isa't isa, na siyang nagpalala ng gap sa kanilang pagmamahalan. Tiniyak ni Rufa Mae ang sarili na mahal na mahal pa rin niya si Erik at ayaw niyang magtapos lang sila ng ganong kadali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Na-touch din si Rufa Mae sa pag-iyak ni Erik sa interview nito sa The Buzz. Para sa kanya, hindi kahinaan sa isang lalaki ang pag-iyak kundi ang pagpapakita nito ng malaki niyang pagmamahal sa kasintahan.

Ito ang na-feel ni Rufa Mae na lalong nagpa-realize sa kanya ng mga magagandang qualities ni Erik.

Sana nga lang ay maging maayos ang pag-uusap nila ni Erik para kung sakali mang matuloy ang hiwalayan nila, wala silang samaan ng loob na maiiwaan para sa isa't isa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN