Annabelle Rama to co-star with daughter Ruffa in her comeback film


"Basta mula ngayon hanggang ipalabas ang pelikula, araw-araw akong magsisimba para kumita," says Annabelle Rama (right) about her comedy film with daughter Ruffa Gutierrez (left).


Dalawa ang press con ni Ruffa Gutierrez kahapon, June 19: isa para sa ABS-CBN at isa para sa Regal Entertainment. Ang imbitasyon ng Regal na ginawa sa Imperial Palace Suites ay para sa pagpirma muli ng kontrata ni Ruffa sa kanyang unang home studio.

Pero hindi lang pala siya ang pumirma ng kontrata, kundi pati na rin ang ina niyang si Annabelle Rama.

"Noong una talaga, ayoko ng movie," sabi ni Annabelle sa presidential table. "Hanggang commercial lang ako kasama ng kambal [Richard and Raymond Gutierrez]. Na-addict yata ako sa acting kaya nang tinanong ako ni Mother Lily [Monteverde] kung gusto kong umarte, pumayag na rin ako.

"Actually, ayaw nina Richard and Raymond na mag-movie ako. Two days ago, sabi ko sa kanila, pipirma ako sa Regal. Akala ni Richard nagbibiro ako. Kanina nang nalaman niyang totoo pala, tini-text ako huwag daw akong pumirma. Mamaya iti-text ko siya sasabihin ko ‘Richard, pumirma na ako!'" natatawang kuwento ni Annabelle.

Two-picture deal ang pinirmahan ni Annabelle, tatlo naman kay Ruffa. Magkasama sila sa unang pelikula, na may tentative title na Mama Dong pero baka mapalitan pa ang title. Mula ito sa panulat at direksiyon ni Joey Reyes. Pre-production na ang pelikula.

"Isa lang actually ang pinirmahan ko, kasi sa isa, extra lang ako," sabi ni Annabelle.

Sa Desperadas voice-over lang daw kasi Annabelle. Itoang matagal nang naantalang comeback movie sanang lahat nina Ruffa, Gretchen Barretto (na-announce na ito bago pa niya nasimulan ang Matakot Ka Sa Karma), Dawn Zulueta, at Pops Fernandez (na-announce na rin ito bago niya nagawa ang Zsazsa Zaturnnah Ze Moveeh).

May nagtanong kay Ruffa na with the controversies about them still being the talk of the town, hindi ba dapat drama muna ang ginawa nilang mag-ina.

Okay lang ito kay Ruffa, but not kay Annabelle.

"Ruffa, comedy lang ako!" paalala niya sa anak niya in her stern motherly voice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin daw siguro kailangang ikabit ang kontrobersiyang kinasangkutan ng mag-ina para kumita ang pelikula.

"Ang pelikula kikita kung maganda ang kuwento at bida," sabi ni Annabelle.

Hindi na matandaan ni Annabelle kung ano at kailan ang huling pelikula niyang nagawa.

"Matagal na ‘yon, wala akong boses doon, pipi ang papel ko!" sagot ni Annabelle na nakatawa kung kaya't walang nakakaalam kung totoo ba ito or self-mocking sa kanyang punto.

"Basta mula ngayon hanggang ipalabas ang pelikula, araw-araw akong magsisimba para kumita," pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN