Model-actor Derek Ramsey to compete in international frisbee tourney


Model-actor Derek Ramsey will fly to Brazil in December as part of the Philippine frisbee team that will compete in the Ultimate Frisbee Competition.


Kinumpirma ng actor-model na si Derek Ramsey na sa darating na December ay pupunta siya sa Brazil kasama ang Philippine team para sumali sa Ultimate Frisbee Competition.

"Actually, the trip to Brazil, I play for the Philippine team to represent the country. This is a team sports talaga and the Philippines is really advanced when it comes to ultimate frisbee. Ito ang isa sa mga passion ko sa buhay ko," sabi ni Derek sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa press con ng Ysabella kagabi, June 19.



Ibinida ng aktor na Boracay ang champion sa Asia pagdating sa beach frisbee at ang laki ng tuwa niya nang imbitahan siya sa team para sa competition na gagawin sa Brazil.

"Gagawin ko talaga 'yon kahit birthday ko sa December 7," ani Derek. "Kasi November last year ay nag-represent kami ng Philippines sa world championship sa Australia. Every four years lang ito at kahit natalo kami sa final sa division namin, we ranked number 27 in the world compared sa dati naming rank na 38. And to think na that was the first time the Philippine team joined the competition."

Kahit natalo raw sila four years ago ay masaya pa rin siya dahil ang naging ultimate champion ay ang Japan.

"So, you see, the Asians are very good at it," pagmamalaki ni Derek.



Para sa mga hindi nakakaalam, bukod sa frisbee ay nakapaglaro na rin ng basketball si Derek sa Philippine Baketball League (PBL) at napabilang sa team ng Toyota. Kaya lang ay napahinto ito sa paglalaro dahil hindi na nakayanan ng kanyang kalusugan ang kanyang hectic schedule, tulad ng modeling, hosting, at acting.



Nabanggit din ni Derek na baka isama niya sa Brazil ang rumored girlfriend niyang si Angelica Panganiban.



"Nasabi ko sa kanya kung gusto niyang sumama sa Rio de Janeiro kung saan gaganapin ang competition. It's a beautiful place, sabi ko kanya. Pero wala pa naman siyang kumpirmasyon dahil abala rin siya sa kanyang mga showbiz commitments," sabi ni Derek.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN