Ethel Booba's mystery guy in Decades Bar is actor Janvier Daily


Aspiring actor Janvier Daily (inset) was the guy with Ethel Booba when she had a bar fight with two women. He also accompanied the sexy comedienne to the precinct when she filed a complaint.


Nakilala na ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang lalaking ka-holding hands ng sexy comedienne na si Ethel Booba nang mag-file ito ng complaint sa presinto laban sa dalawang babaeng nakaaway niya sa Decades Bar noong Lunes, June 18, ng madaling-araw.



Ang lalaking kasama ni Ethel ay si Janvier Daily, isang aspiring actor. Siya ang gumaganap na Dodong sa muling pagbabalik ng musical play na ZsaZsa Zaturnnah Da Musikal starring K Brosas.



Nilinaw ni Janvier na hindi siya boyfriend ni Ethel, magkaibigan lang daw sila. Matagal na raw niyang kilala si Ethel at madalas daw silang magkita-kita sa labas, kasama ang iba pa nilang mga kaibigan.



Noong gabing nagkaroon ng kaguluhan sa Decades Bar ay nagkita lang daw sila roon ni Ethel at galing daw siya sa rehearsal ng ZsaZsa Zaturnnah. Gusto lang daw ni Janvier mag-unwind kaya naisipan nila ni Ethel na pumunta sa bar. Hindi raw niya akalain na magkakaroon ng kaguluhan.



"Nagulat nga ako kasi mabilis ‘yong pangyayari. Basta may nagliliparan na lang na mga sapatos sa harapan ko at may mga natatamaan. Tapos nun ay nasa presinto na kami at ini-interview na si Ethel ng mga reporters. Naguluhan ako kaya hindi ako nakabitiw kay Ethel," kuwento ni Janvier.



Totoo ba na ex-girlfriend niya ang isang babae na nakaaway ni Ethel sa bar?



"Hindi po," tanggi niya. "Hindi ko po sila kilala, e. Nandoon kami ni Ethel para lang mag-relax, pero biglang nagkaroon ng gulo. In fairness, hindi si Ethel ang nagsimula. Iyong dalawang babae ang nagsimula, ipinagtanggol lang ni Ethel ang sarili niya."



Unang napanood si Janvier sa pelikulang Troika kung saan may maliit siyang role doon. Ginagawa niya ngayon ang sexy movie na Roxanne with Sheree and Jay Aquitania mula sa direksiyon ni Jun Lana.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN