Kris Aquino builds a Gawad Kalinga Village in Eastern Samar


TV host-actress Kris Aquino is so blessed with her showbiz career that she shares her blessings with homeless Filipinos. She is currently building a Gawad Kalinga village in Eastern Samar that will house 50 families.


Hindi lang pala basta nanood ng premiere night ng Paraiso: Tatlong Kuwento ng Pag-asa si Kris Aquino and husband James Yap noong June 12 sa SM Mall of Asia. Ibinalita sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na kaya naroon ang mag-asawa dahil isa si Kris sa generous donors at supporters ng Gawad Kalinga.

Ang Gawad Kalinga ay isang non-government organization na tumutulong sa mga "worse-off Filipinos and survivors of natural disasters" sa pamamagitan ng pagpapatayo ng disenteng bahay para sa kanila. Ang kakaibang katangian ng Gawad Kalinga ay hinihingan nito ng active participation ang mga maninirahan sa pagpapatayo ng bahay.

Ibig sabihin, hindi ito basta libre. Magpunpundar din ang maninirahan. At dahil ang kaya nilang ibigay ay pawis at oras, ganoon nga ang hinihingi sa kanila. The philosophy behind this is that mas pangangalagaan ng maninirahan ang pinagpaguran din nila. In other words, hindi ito dole-out. Hindi ito traditional "charity." Ito ay totoong pagmamalasakit dahil ibinibigay din nito ang respeto sa tumatanggap.



Ikinuwento mismo ni Mr. Tony Meloto, founder ng Gawad Kalinga, na nagpapatayo si Kris ng Gawad Kalinga Village sa Hernani, Eastern Samar, na malapit sa Borongan, kung saan tagaroon ang kumpare at kaibigan Kris na si Boy Abunda.

Twelve houses na ang natatapos sa 50 houses na ipapagawa ng TV/host/actress. Parte raw ng ginagastos ni Kris ay galing sa ipina-auction niyang gowns.



Tumutulong din si Kris sa ina niyang si former president Cory Aquino sa pagpapatayo ng bahay sa Gawad Kalinga Village sa Tarlac. Ang sponsored na 100 houses ng ina sa Tarlac City, Bamban, at Capas ay dadagdagan ni Kris.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN