Busybody Marky Cielo says he's not under wing of influential Kapuso gay


"Okay lang sa akin kung ganyan ang iniisip nila, pero nakakalungkot lang kasi siguro hindi sila naniniwala sa kakayahan ko," says Marky Cielo about rumors that he is favored by an influential gay on GMA-7.


Mula nang tanghalin siyang StarStruck 3 Ultimate Sole Survivor, hindi na nawalan ng TV projects sa GMA-7 ang young actor na si Marky Cielo— Etheria, Fantastikids, Bakekang, at Asian Treasures. Bukod pa rito ang pagiging mainstay niya sa musical variety show na SOP. Ngayon naman ay siya ang lead star sa bagong youth-oriented show na Boys Nxt Door at balitang magbibida sa Pinoy version ng Japanese adventure series na Shaider.

Kaugnay ng sunud-sunod na projects ni Marky, may lumalabas na intriga na kaya hindi raw siya nawawalan ng show sa Kapuso Network—kumpara sa napakaraming StarStruck graduates na halos hindi nabibiyayaan ng show—ay dahil "hawak" diumano siya ng isang maimpluwensiyang gay sa GMA-7



Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Marky last Saturday, June 16, sa dressing room ng Eat Bulaga! para sa promo ng Boys Nxt Door ng GMA, nagulat ang young actor nang tanungin namin at hingan siya ng reaksiyon tungkol dito.



"Actually, ngayon pa lang nakarating sa akin ang issue na ‘yan," sabi ng 18-anyos na si Marky. "Okay lang sa akin kung ganyan ang iniisip nila, pero nakakalungkot lang kasi siguro hindi sila naniniwala sa kakayahan ko.



"Pare-pareho lang kaming taga-Artist Center," patuloy niya. "Nandiyan palagi at nagbabantay sa amin si Tatay Rommel [Gacho, StarStruck director]. Kung ang sinasabi nila ay si Tatay Rommel, mentor namin siya sa StarStruck, parang second tatay namin. Siya ang nagsasabi kung ano ang mga dapat naming gawin. Sa mga schedule namin, lagi niya kaming pinaalalahanan.



"Sa akin lang, sa lahat ng ibinibigay sa akin, tinatanggap ko. Kasi para sa akin, bawal ang humindi. Pag may offer, grab kaagad. Sa mga ganitong chances, ipinapakita ko ang makakaya ko."

Ayon pa sa young actor, naiintindihan niya raw ang mga taong pumapasok sa ganoong sitwasyon. Pero hindi raw niya nakikita ang sarili na matulad sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Hindi ko hinuhusgahan ang mga gumagawa nun. Pero ako, di ako aabot sa ganyang bagay," mariin niyang sabi.

Kinuha rin namin ang reaksiyon ni Marky sa balitang siya na ang magbibida sa remake ng Shaider. Pero ayon sa binata, wala pang kasiguraduhan ang lahat dahil hindi pa raw siya kinakausap ng GMA-7 management tungkol dito.



"Di pa sure talaga ‘yan," sabi niya. "May mga bali-balita, pero wala pa talaga ganun ka-solid para sabihing ako na talaga. Kung matutuloy, masaya ako kasi napakalaking break, but at the same time, malaking pressure din."

Kahit noong nasa StarStruck pa lang si Marky at tanghalin siyang Ultimate Sole Survivor ay marami ang bumabatikos na kung sa physical appearance ang pagbabasehan, hindi raw puwedeng sumikat si Marky. Aminado ang young actor na noong una ay nasasaktan siya sa mga komentong ganito.



"Sabi nga nila, di raw nakaka-starstruck ['yong hitsura ko] tapos kinu-compare ako sa iba. At first, nasasaktan ako, tao lang ako. Pero tinaggap ko ‘yon.

"Heto ako, ano ang itatago ko? Ano ang magagawa ko? Ang inilagay ko na lang sa isip ko, focus ako sa ibang bagay, like sa pag-arte, sa personality ko, na dapat maayos ang pananamit ko, dapat makisama akong mabuti sa lahat," paliwanag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN