Ai-Ai delas Alas hints she may do a GMA-7 sitcom with Vic Sotto


Comedienne Ai-Ai delas Alas reportedly hinted at a press conference in Los Angeles, California, that she might do a sitcom with Vic Sotto on GMA-7.


Tuluyan na bang mag-aalsa-balutan sa ABS-CBN ang comedienne na si Ai-Ai delas Alas at magbabalik na sa GMA-7?



Sa press conference kasi ng Love 2 Laugh concert nina Ai-Ai at Ogie Alcasid na ginanap sa Scientology Celebrity Center sa Los Angeles, California, ay nagulat ang mga reporters na um-attend nang magpahiwatig si Ai-Ai na baka lumipat na siya sa Siete. May offer daw kasi sa kanya na isang sitcom kung saan ay makakasama niya si Vic Sotto.



Kung matatandaan, nagkasama na dati sa GMA-7 sitcom na 1-4-3 sina Ai-Ai at Vic, kung saan ay kasama nila noong una si Charlene Gonzalez at napalitan ito ni Rosanna Roces. Nawala lang sa GMA-7 si Ai-Ai nang tanggapin niya noon ang very tempting offer ng Kapamilya network.



Samantala, nagtanong-tanong ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa ilang mga taga-Kapuso Network tungkol sa sitcom na malamang na pagsamahan nina Ai-Ai at Vic. Napag-alaman namin na ito ‘yong binabalak ng GMA-7 at M-Zet Productions na ipalit sa Daddy Di Do Du, na malamang ay hanggang sa katapusan na lang ng July ang pagpapalabas.



Ayaw namang magsalita ng isang staff ng M-Zet Productions tungkol sa nabanggit na sitcom. Hindi pa naman daw kasi pumipirma sa kanila si Ai-Ai at hindi pa sila sigurado kung ang bago nilang sitcom ang show na pagsasamahan nina Ai-Ai at Vic sa GMA-7.



"Hindi pa rin kasi sure kung hanggang kailan ang taping namin para sa Daddy Di Do Du kasi ginagawa pa ang set ng bagong show namin," sabi ng staff ng M-Zet Productions na nakausap ng PEP.

Ang huling regular show ni Ai-Ai sa ABS-CBN ay ang teleserye na Bituing Walang Ningning.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN