Sam Milby wants to work with Claudine, Kristine, Angel, and Judy Ann


"Maganda din [makatrabaho] ‘yong mga veterans sa showbiz, kasi I'm still learning. So if I'm paired with people na magaling, I'll learn from them," says Sam Milby about working with established young actresses in showbiz.


Tuluy-tuloy sa paglalagare sa trabaho ang matinee idol na si Sam Milby. Bukod sa product endorsements at concerts, sabay niyang ginagawa ang isang pelikula with Bea Alonzo at ang Book 2 ng ABS-CBN soap opera na Maging Sino Ka Man.

"Hindi ko pa alam ‘yong title ng movie, pero 'yong director is Eric Reyes. Next month ‘yong start ng shooting. Tsaka ‘yong Book 2 ng Maging Sino Ka Man, start na ng taping next month, so sabay sila," pahayag ni Sam sa PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa projects na gagawin niya.

Samantala, nilinaw ni Sam ang lumabas na balita na siya ang dahilan ng pagbuwag sa loveteam nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

"No, siyempre, hindi ako ‘yong dahilan na maghiwalay sila. Pero I'm sure that they would have worked with different loveteams, too. It's a good thing with different loveteams. Like me and Toni [Gonzaga], she's paired with other people, I'm paired with other people. I mean, it's a good career move na you get to work with different people," paliwanag niya.

Bukod kina Bea at Toni, sino pang mga young actresses ang gusto niyang makatrabaho in the future?

Ayon kay Sam, "One person... Any actor would love to work with, si Claudine [Barretto], even Kristine Hermosa. Actually marami, si Judy Ann [Santos] din. Maganda din [makatrabaho] ‘yong mga veterans sa showbiz, kasi I'm still learning. So if I'm paired with people na magaling, I'll learn from them."

Okay rin kay Sam kung makaka-partner niya si Angel Locsin. Iyon nga lang ay nasa GMA-7 si Angel samantalang si Sam ay nasa ABS-CBN.

"She's from the other station. But of course, I would love to, you know, even work with her, too," sabi niya.

Tungkol sa bahay naman na ipinapagawa niya, hindi na raw niya itinuloy ang pagpapalagay ng sarili niyang recording studio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I was thinking about that, but natatakot ako na baka maingay. I was thinking about soundproofing too, but I don't know. If I ever change my mind, I was thinking the theater room or one of the bedrooms.

"I don't really need that. Actually, maybe in a couple of years—if I'm still doing okay—I'll even have another house. And if I have enough money I'll have a recording studio in my next house.

"My new house, parang it would a model house for them also. We built this house to show other people na it's a great house. I really trust the contractors, if you look at the plan of the house, grabe! I'm really excited."

Parang naging endorser na rin siya ng bahay?

"In a way," maikli niyang tugon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN