Edu Manzano perks up morning TV with "Umagang Kay Ganda"


"Pag credibility, integrity, and experience ang pinag-uusapan, ako ‘yon, e, di ako puwedeng mawala sa show. Ang mga batang kasama ko sa show, knowledge naman ang ibinibigay nila," jokes Edu Manzano.


Tinanggap na rin ni Edu Manzano ang offer ng ABS-CBN para maging part ng bagong morning show na Umagang Kay Ganda, na magpi-premiere sa Lunes, June 25.

Sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Edu noong Huwebes, June 21, sa press con ng Umagang Kay Ganda na ginanap sa Plaza Ibarra, winika ng actor-TV host na minsan na raw siyang naging bahagi ng morning show for one year at nagustuhan niya ito. Bagong facet daw muli ng kanyang career ang Umagang Kay Ganda.

Sa pagtanggap niya ng hosting job, may change of lifestyle din daw na mangyayari sa kanya. Hindi na raw siya lumalabas sa gabi. He has become more of a homebody. Hindi rin daw ito makaka-distract sa schedule even if he's doing Game KNB? and working as chairman of the Optical Media Board (OMB), na ang opisina ay walking distance lang from ABS-CBN. After ng Umagang Kay Ganda, puwede na siyang dumiretso sa office niya sa OMB.

Nagustuhan din niya ang concept ng programa.

"TV right now is more dynamic. Iba't iba na ang mga segments. May kanya-kanya kaming segment. Hindi kami aalisin sa aming mga comfort zones. Kung saan kami malakas, doon kami ilalagay," sabi ni Edu.

"Ako ang naghahatid ng credibility, integrity, and experience sa show," pabirong sabi niya. "Pag credibility, integrity, and experience ang pinag-uusapan, ako ‘yon, e, di ako puwedeng mawala sa show. Ang mga batang kasama ko sa show, knowledge naman ang ibinibigay nila."

Isa rin daw commitment para kay Edu na gawin itong Umagang Kay Ganda. Naging host dati si Edu ng Magandang Umaga Bayan (MUB), pero naapektuhan ang trabaho niya dati dahil busy pa siya noon sa paggawa ng pelikula, bukod sa mayroon siyang ginagawang sitcom (OK Fine, Whatever!). Hindi na rin daw siya tatanggap ng offer to do a teleserye.

"Pinilit ko kasi noon to do everything. Alipin kasi ako ng salapi. Nagising na ako na it's not just money," sabi pa ni Edu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil sa pagtanggap niya ng Umagang Kay Ganda, hindi na raw siya makakagawa ng pelikula and he will miss it.

"Dati kasi, may taping ako ng sitcom tapos diretso ako sa MUB. Natutulog ako sa set. Then, may ginagawa pa akong movie on the side. Ngayon, hindi ko na ito kayang gawin. That was my chosen schedule before na akala ko ay kakayanin ko. Pero after that, nag-breakdown na ang katawan ko," sabi ni Edu.

As expected, ayaw pa rin patulan ni Edu ang pangungulit ng press na magsalita siya tungkol sa kanilang dalawa ni Pinky Webb, isa sa co-host niya sa Umagang Kay Ganda. Ang galing ni Edu umiwas sa mga tanong ng entertainment press sa kanya.

Kaya niya raw tinanggap ang morning show kasi may aabangan na love team (referring to him and Pinky Webb), pero ang sagot ni Edu: "Naku, huwag nyo naman i-link sina Donita Rose at Anthony Taberna. May asawa na si Donita. Huwag kayong ganyan. Huwag nyo rin i-link si Rica Peralejo kay Kim Atienza."

Bukod kina Edu, Pinky, Kim, Donita, Rica, at Alex, kasama rin sa Umagang Kay Ganda sina Bernadette Sembrano, Anthony Taberna, Ogie Diaz, Winnie Cordero, at Atom Araullo sa paghahatid ng samu't saring impormasyon at mga nakakaaliw na kuwento ng buhay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN