Vic Sotto's camp denies sitcom with Ai-Ai delas Alas


"Isang sitcom lang kasi ‘yong gagawin ni Vic at kapalit ‘yon ng Daddy Di Do Du at co-produced din ‘yon ng M-Zet Productions sa GMA 7. Baka naman nagpaparamdam lang si Ai-Ai sa Dos kaya sinabi niya ‘yon?" says a PEP source about the rumored sitcom of Vic Sotto with Ai-Ai delas Alas (in photo).



Kaugnay ng lumabas na balita rito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, June 21, tungkol sa napipintong pagbabalik ni Ai-Ai delas Alas sa bakuran ng GMA-7, itinanggi ng isang may kinalaman sa M-Zet Productions na ang comedienne ang makakasama ni Vic Sotto sa sitcom na ipapalit nila sa Daddy Di Do Du.



Ayon sa source ng PEP, wala sa plano ng M-Zet Productions na kunin ang serbisyo ni Ai-Ai para sa kanilang bagong sitcom.



"Magaling na comedienne si Ai-Ai, no doubt about that, pero hindi siya kasama sa bagong sitcom ni Vic. Ewan ko kung ang GMA-7 management mismo ang kumukuha kay Ai-Ai, pero kung sinabi niya na may sitcom sila ni Vic na puwedeng pagsamahan, imposible.



"Isang sitcom lang kasi ‘yong gagawin ni Vic at kapalit ‘yon ng Daddy Di Do Du at co-produced din ‘yon ng M-Zet Productions sa GMA 7. Baka naman nagpaparamdam lang si Ai-Ai sa Dos kaya sinabi niya ‘yon?" sabi ng source namin from M-Zet Productions.



Samantala, kinumpirma naman sa PEP ni Ms. Malou Choa-Fagar, executive consultant ni Vic sa M-Zet Productions, na may bago nga silang sitcom na kapalit ng Daddy Di Do Du at hindi nga kasama roon si Ai-Ai.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN