PEP EXCLUSIVE: Kris Aquino and James Yap spotted in Boracay's posh getaway haven


Kris Aquino and husband James Yap were reportedly spotted vacationing at the posh and exclusive Discovery Shores in Boracay.


Pagkatapos ng mala-teleseryeng kontrobersiya sa pagsasama ng mag-asawang Kris Aquino at James Yap—kung saan iniugnay si James sa dating empleyado ng Belo Medical Group na si Hope Centeno—ay may nagdududa pa rin sa katatagan ng samahan ng dalawa.

Nakatanggap ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng balita na muntik na naman diumanong maghiwalay sina Kris ay James. Ayon sa balita, nito raw Sabado, June 16, ay nag-walkout daw si Kris kay James at sinabing: "I just fell out of love."

Ngunit bago pa man maimbestigahan ang insidenteng ito—kung totoo nga o hindi—ay may bagong balita na nakalap ang PEP kani-kani lang. Namataan diumano ngayong araw sina Kris at James sa mamahalin at eksklusibong Discovery Shores sa Boracay.

Ayon pa sa aming source, wala raw ibang kasama sina Kris at James. As in, walang alalay, yaya, at mga bata—ang anak nina Kris at James na si Baby James at ang panganay ng TV host-actress na si Josh. Ang bulung-bulungan tuloy, ito na ang honeymoon ng mag-asawa pagkatapos ng kanilang pagbabalikan.

Ikinasal sina Kris at James sa isang sikretong civil wedding sa bahay ni Boy Abunda noong July 10, 2005.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN