Model-actor Marco Alcaraz on his lovelife: "Wala po talaga."


"Hindi naman sa ayaw, pero wala po talaga. Honestly, totoo ‘yon, wala po talaga," answers Marco Alcaraz when asked if he is courting anyone from showbiz.


Isang diretsong sagot ang ibinigay ni Marco Alcaraz sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang tanungin kung may chance na magkagusto siya kay Valerie Concepcion at lumampas sa pagkakaibigan ang kanilang relasyon, lalo na ngayon na hindi matapus-tapos ang pagli-link sa kanilang dalawa.

"Ngayon, wala po. Wala po talaga. Hindi ko masabi. Basta sa ngayon, wala po talaga," seryosong sabi ni Marco.

Wala ba siyang nililigawan na taga-showbiz?

"Kung sinu-sino! Hindi, joke lang! Ano lang, date-date lang, pero hindi showbiz."

Ayaw na niya ng taga-showbiz?

"Hindi naman sa ayaw, pero wala po talaga. Honestly, totoo ‘yon, wala po talaga," sabi ni Marco na dati na ring na-link kay Isabel Oli.

Sa mga billboards for Bench, wala siyang pakundangang bumandera nang naka-underwear at naka-trunks. Kailan kaya siya magpapaseksi sa pelikula?

"Hindi na yata uso ang sexy movies ngayon, e!" tawa niya.

Kung saka-sakaling may mag-offer sa kanya na lumabas sa isang stage play na gaya ng Penis Talks, kung saan sa kabuuan ng palabas ay naka-briefs lang siya, papayag kaya si Marco?

"Pinapasali ako dati, pero hindi ko kaya," sagot niya. "Hindi ko pa kaya na naka-briefs or naka-trunks sa stage. Sa billboard kasi, iba, litrato mo lang ‘yon na naka-trunks ka. Iba ‘yong umaarte ka sa stage na naka-trunks ka lang."

Samantala, napag-alaman namin na may pagka-pilantropo pala si Marco. Tuwing Pasko kasi ay namimigay raw siya ng mga pagkain at kung anu-ano sa mga batang nangangailangan.

"Kasi, nagdu-donate din ako sa mga orphanages, e. Nag-start ako last year, last Christmas. Pasasalamat ko na ‘yon, na ‘yong projects ko sa showbiz, tama lang. Hindi naman super-dami, pero mas blessed pa rin ako kaya tumutulong ako," aniya.

Kasama si Marco sa Sine Novela ng GMA-7 na Pati Ba Pintig ng Puso? at sa pelikulang Angels.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN