Melanie Marquez is back from her Utah ranch


"Naka-cowboy outfit pa ako, hat and all. Talagang ako ‘yong nagbubuhat ng malalaking bakal para sa mga equipment. Nakakapagod talaga, pero masaya," says former Miss International Melanie Marquez about her ranch experience.


Kararating lang ng dating Miss International na si Melanie Marquez noong June 20 ng gabi galing sa Utah. Jet-lagged pa ang actress-beauty queen nang makipagkita sa GMA News at PEP (Philippine Entertainment Portal), pero puno pa rin ito ng masasayang kuwento, as always.

Halatang nakapagpahinga na si Melanie dahil fresh ang dating niya. Pagkakaroon daw ng peace of mind ang kaibahan ng Utah sa Pilipinas. Dun daw sa ranch nila ng kanyang asawang si Adam Lawyer ay hindi mo mababakas ang kanyang pagiging celebrity.

"Tingnan mo nga ang mga kalyo sa kamay ko? Summer kasi ngayon dun. We take advantage of the season. Ito ‘yong pinakamagandang panahon para magtanim kami ng mga makakain ng baka at kabayo dun.

"Naka-cowboy outfit pa ako, hat and all. Talagang ako ‘yong nagbubuhat ng malalaking bakal para sa mga equipment. Nakakapagod talaga, pero masaya. Ito lang yung time na ibinibigay ko sa asawa ko para asikasuhin ko rin naman siya at ang aming property," kuwento ni Melanie.

Babalik daw si Melanie sa Utah sa isang buwan para ipagpatuloy ang pag-asikaso sa rancho. First time din niyang nakasama ang lahat ng anak niya sa US trip na ito. Dapat daw ay dalawang buwan ang itatagal niya doon, pero kailangan niyang umuwi kasama ang mga anak para sa pasukan sa eskuwela.

Nalulungkot naman si Melanie dahil doon pa lang daw sa Utah ay nalaman na niya ang pagkatalo ng dating kinakasamang si Senator Lito Lapid sa mayoralty elections sa Makati.

"Nakakalungkot talaga. Saan mo man kasi tingnan, tatay pa rin siya ng anak ko [Manuelito]. I was vocal in supporting him bago ako umalis. Pero dapat din nating tanggapin na matindi rin kasing kalaban si [Jejomar] Binay," pahayag ng dating Miss International.

Isang malakas na tawa naman ang isinagot niya sa tanong na baka puwede na siyang tumakbo sa Makati politics sa susunod na election dahil next in line na siya kay Lito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi pa rin kasi ako naniniwala na kailangan ko ng pulitika para tumulong. Nagagawa ko rin naman 'yan ngayon kahit wala ako sa puwesto," sagot niya.

Naghahanda naman si Melanie ngayon para sa isang malaking fashion show sa Metro Bar ng Placenta by Psalmstre, ang sabong ine-endorso niya ngayon. Bongga raw ang event na ito dahil 7th anniversary ito ng kumpanya.

"Nakakatuwa dahil seventh anniversary sa July 7 at 7 p.m. pa siya. Di ba, puro seven? Iyon nga lang, hindi kasi puwedeng Channel 7 lang ang mag-cover!" patawa ni Melanie.

Dismayado naman si Melanie dahil sa inuusad ng kasong na-file nila sa Quezon City court dahil sa paggamit ng ibang kumpanya sa pangalan ng ini-endorse niyang sabon. Ayon na rin sa may-ari ng produkto na si Jim Acosta, nababagalan daw sila sa desisyon ng korte, pero hindi raw nila iuurong ang demanda.

Sa ngayon daw ay ang anniversary fashion show ang pagtutuunan nila ng pansin. Makakasama ni Melanie ang co-endorser niyang si Lovi Poe sa rampa.

"She's very beautiful. No doubt na nakuha niya ang charisma ng daddy niya. Pero sana lang ay 'wag na siyang mag-heavy make-up kasi natatakpan yung ganda niya. Sayang, ang ganda pa naman niya," sabi ni Melanie tungkol sa anak ng yumaong si Fernando Poe, Jr.

Ibinalita rin ni Melanie na nasa proseso siya ng pagbuo ng isang malaking modeling agency. Dito raw niya ibubuhos ang lahat ng kanyang kaalaman pagdating sa rampa.

"Basta ang hinahanap ko, yung may attitude. Bihira kasi sa mga models ngayon ang may ganyan. At ang importante pa, yung pag rumampa, makikitaan mo ng li--g," pagtatapos ni Melanie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN