Gladys Guevarra gets marriage proposal from new boyfriend


Singer-comedienne Gladys Guevarra just came back from the United States with a marriage proposal in tow. Her Fil-American boyfriend, Phillip Peredo, reportedly proposed to marry her at St. Patrick's Cathedral in New York City.


Handa na bang ipakilala ni Gladys Guevarra ang kanyang Fil-American businessman boyfriend na si Phillip Peredo?



Nakilala ni Gladys si Phillip nang mag-show siya, kasama sina Ara Mina, Dennis Trillo, at German "Kuya Germs" Moreno sa New Jersey. Tila love at first sight ang nangyari sa dalawa kaya biglang mauuwi na sa usapang kasalan ang lahat.



Bago nga umuwi si Gladys sa Pilipinas ay namasyal muna ang dalawa sa New York City. Dinala raw ni Phillip si Gladys sa mga paborito niyang lugar sa NYC at ang ikinagulat pa ng singer-comedienne ay nang dalhin siya nito sa St. Patrick's Cathedral.



Nangako raw si Phillip kay Gladys na sa St. Patrick's Cathedral siya nito pakakasalan. Kaya naman si Gladys ay hindi raw makapaniwala sa kanyang mga narinig mula sa bagong minamahal niya.

Hindi ito ang unang pagkakataon na may nag-alok ng kasal kay Gladys. Matatandaang ang huling naging boyfriend ni Gladys na doktor ay pinangakuan din siya ng kasal ngunit naghiwalay rin sila.

Ito na nga kaya ang lalaking totoong magdadala kay Gladys sa altar?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN