Karylle and boyfriend Dingdong Dantes venture into business


"Gusto lang talaga naming mag-business. Siguro kapag narinig n'yo na naghahanap na kami ng house, ‘yon na ang serious!" answered Karylle when asked if her business venture with boyfriend Dingdong Dantes would lead to something more serious, like a wedding.


Instead na ang boyfriend na si Dingdong Dantes, ang bunsong kapatid ng young actor-director ang namataan na kasama at ka-date ni Karylle nang manood siya ng musical play na High School Musical sa Meralco Theater noong gala night nito.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Karylle ay nalaman namin na may bubuksan pala sila ni Dingdong na restaurant business along Tomas Morato next month. Pero ayaw pang i-reveal ni Karylle kung ano ang pangalan ng kanilang business at kung ano ang bagong mai-offer nito. Katuwiran niya, para may sense of surprise daw.



Mukhang hindi rin apektado or naniniwala si Karylle sa kasabihan na marami ang hindi nagkakatuluyan na magkasintahan kapag nag-venture sila into business.



"Hindi naman siguro," sabi ng young singer-actress. "Kami naman kasi ni Dong, gusto lang talaga namin na magkaroon ng sarili naming investment. Besides, hindi lang naman kaming dalawa ni Dong ang partner dito, may mga kasama pa rin kami.



"At saka hintayin n'yo, hindi lang itong bagong business namin ang partner kami. Meron pa kaming bagong gagawin na makabuluhan naman. This time, pang-heaven [sabay turo sa itaas] ang ilu-launch namin. It's something big," ang turan ni Karylle sa foundation nila ni Dingdong.



Posible kayang sa pagbi-venture nila into business, they are already thinking of settling down in the very near future?



"Ganoon naman talaga," pag-amin ni Karylle. "Siguradong ‘yon ang magiging isyu. Pero wala lang, gusto lang talaga naming mag-business. Siguro kapag narinig n'yo na naghahanap na kami ng house, ‘yon na ang serious!"



Samantala, hindi naman itinanggi ni Karylle na katulad ng ibang Kapuso stars ay nag-audition din siya sa role na Marimar. Pero ang pinalad nga na makakuha ng role ay si Marian Rivera.



May panghihinayang ba na hindi siya ang napili at hindi sila magkakatambal muli ni Dingdong?



"Oo, pero at the same time, okay lang din," sagot niya. "After the audition kasi, nag-meeting din kami sa Genesis [her talent management]. Nag-career planning for me. Sa meeting nga, nagkaroon ng perception sa mga singers na parang iba pa rin ang impression ng mga tao kapag singer ka, and still, you act.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Kaya sabi ko nga, dapat seryosohin ko talaga ang singing ko. Ang dami ko pa namang ginagawang compositions. Nakakatuwa kasi, may consultant din kami na taga-radio. E, di ba, kapag taga-radio, nagsasabi talaga sila kung ano ang totoo? Nang sabihin niya na apat lang, kinabahan na ako. Akala ko, apat lang ang nagustuhan niya. ‘Yon pala, apat lang ang hindi niya nagustuhan sa 12 compositions ko. So, sabi ko, okay na! At least more than half," masayang salaysay ni Karylle.



Ganumpaman, hindi naman daw nangangahulugan ito na hindi na talaga siya tatanggap ng any acting job.



"Tatanggap pa rin," paglilinaw niya. "It's just that, mas limitado na lang siguro. Mas ang concentration ko na talaga ay sa singing ko. With Marimar naman, okay lang na hindi ako ang nakuha kasi parang it happened na rin before with Darna. Nang mag-audition ako at hindi ako ang nakuha, may kapalit kaagad, which is ‘yong Encantadia. And Encantadia is something na hindi ko ipagpapalit more than anything else talaga. So, I believe, ganoon lang ‘yon. Kapag hindi meant for you, meron naman ibinibigay na kapalit."



Hindi kaya pagsimulan ng intriga or selos na sina Dingdong at Marian ang bagong magkatambal at i-build-up, lalo pa nga't medyo sexy ang role ni Marian dito as Marimar?



"Nagdyi-gym rin naman ako, sexy rin naman ako!" biro niya. "Pero no, I'm of age now na I think, I should be confident. Hindi naman ‘yong sa point na masamang confident or over. But I'm not high school na naman na dapat ma-insecure."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN