Ethel Booba forgives her tormentors but will sue bar owners


Comedienne Ethel Booba is reportedly suing the management of Decades Bar, where her recent fight with two women happened.



Akala ng lahat ay tapos na ang problema na kinasangkutan ni Ethel Booba kamakailan sa Decades Bar, Quezon City. Matatandaang may nakaaway na dalawang babae si Ethel sa naturang bar na pinaringgan diumano siya. Nauwi ang lahat sa batuhan ng sapatos at natamaan ang upper lip ni Ethel.



Sa huling panayam g PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Ethel ay nagkaayos na raw sila ng dalawang babaeng nakaaway niya sa loob ng bar. Humingi na raw ng paumanhin ang dalawang babae dahil hindi raw nila akalain na ganun katapang si Ethel at kaya silang sampahan ng kaso.



Nabanggit ni Ethel na kakasuhan niya ng slander ang dalawang babae o ang panlalait sa kanya sa publiko. Nakasama rin sa issue ang lalake na kasama ni Ethel noong gabing ‘yon na si Janvier Daily, isang baguhang aktor.



Nabalita na ex-girlfriend diumano ni Janvier yung isang babae na nanlait kay Ethel, pero pinabulaanan ito ng aspiring actor. Dagdag pa ni Janvier na yung dalawang babae ang nagsimula ng gulo at hindi si Ethel.



Pero ang huling balitang nakalap ng PEP ay tuloy pa rin ang pagsampa ng demanda ni Ethel, pero hindi sa dalawang babae kundi sa Decades Bar. Ayon sa aming source, humihingi diumano si Ethel ng public apology mula sa management ng Decades Bar dahil sa nangyari sa kanya.



Naguguluhan ang aming source sa mga statement ni Ethel dahil gusto raw nitong mag-sorry sa kanya ang management ng Decades. Ayon naman sa management ng bar ay wala raw silang kinalaman sa naging gulo ni Ethel at ng dalawang babae. Oo at nangyari raw iyon sa loob ng kanilang bar, pero mga customers din daw nila ang mga nakaaway ni Ethel at hindi mga staff or crew ng bar.

"Mag-uusap pa kami ng attorney ko," huling pahayag ni Ethel regarding sa balak niyang pagsampa ng kaso sa Decades Bar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Samantala, nakatakdang mag-guest sa Showbiz Central si Ethel bukas, June 24. Inaasahan na sasagutin niya kung ano na ang kahihinatnan ng balak na pagsampa ni Ethel ng kaso sa Decades Bar. Pag-uusapan din kung totoo bang may bago nang inspirasyon si Ethel at kung ano ang reaksiyon niya sa bago diumanong karelasyon ng kanyang ex-boyfriend na si Alex Crisano— si Palmolive Palomina, miyembro ng all-female group na Baywalk Bodies.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN