Partial list of "Marimar" cast revealed


(From left) Dingdong Dantes, Marian Rivera, and Richard Gomez are among the big cast of GMA-7's new soap opera Marimar.


Yesterday, June 22, sa 17th floor ng GMA-7 ay ginawa ang story conference ng Pinoy version ng telenovela na Marimar.

Dito pormal na ipinakilala si Marian Rivera na siyang gaganap bilang Maria Del Mar Aldama Perez or Marimar, ang papel na pinasikat ni Thalia sa original version nito sa Mexico. Si Dingdong Dantes naman ang gaganap na si Sergio Santibañez.

Balik-showbiz din ang kumandidato for senator na si Richard Gomez, na siyang gaganap na ama ni Dingdong na si Renato Santibañez.

Also in the cast are Jestoni Alarcon bilang si Gustavo Aldama, ang ama ni Marimar, Mike Tan at Nadine Samonte bilang sina Choi at Inocencia (new characters), Bianca King as Natalia Montenegro, Leo Martinez bilang si Papa Pancho, Caridad Sanchez bilang Mama La Cruz, Boboy Garovillo bilang Padre Porres, at si Manilyn Reynes bilang si Corazon, na imbes na negra tulad sa original ay gagawing Bisaya sa local version.

Supporting them will be Marky Lopez bilang Arturo, Mel Kimura bilang Perpecta, Gabby Eigenmann bilang Nicandro, and Sheena Halili bilang Monica.

Si Bing Loyzaga na unang napabalitang gaganap bilang Angelica Santibañez—ang pinaka-kontrabida ng soap na mapapangasawa ng ama ni Sergio—ang siyang gaganap na Tia Esperenza.

Wala pang napipiling gaganap sa Angelica, ngunit earlier, it was mentioned na kay Katrina Halili napunta ang papel.

To be directed by Joyce Bernal, in pre-production na ang Marimar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN