Jennylyn Mercado delighted about boyfriend and ex working together


Jennylyn Mercado is glad that GMA-7 found a way to bring her boyfriend Patrick Garcia (left) and her ex-boyfriend Mark Herras (right) together in Fantastic Man. She hopes this will put an end to rumors that they are at odds.


Masayang-masaya ngayon ang young singer-actress na si Jennylyn Mercado dahil sa magkakatrabaho na sa iisang show ang kanyang boyfriend na si Patrick Garcia at ex-boyfriend niyang si Mark Herras.



Magkasama ang dalawang young actors sa Book 2 ng Fantastic Man ng GMA-7. Gaganap si Patrick bilang best friend ni Mark sa naturang serye, pero later on ay magiging magkalaban sila.



Ayon kay Jennylyn, sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal), it's about time daw na matapos na ang mga maling tsismis tungkol sa kanilang tatlo. Magkakasundo raw silang tatlo at hindi rin inaasahan ni Jen na magkakatrabaho kaagad sina Patrick at Mark.



"Mabuti nga at ang GMA-7 na ang gumawa ng paraan para maging magkaibigan na ang dalawa," nakangiting pahayag niya. "Para matapos na rin ang mga usap-usap na magkaaway sila, magkaaway kami [ni Mark]. Ang totoo naman diyan ay wala talagang problema.



"May mga ibang tao lang na nagpapalaki ng issue. Minsan kung sino pa yung pinagkakatiwalaan mo, sila pa yung naghahatid ng maling balita sa media. Kaya kami ni Patrick, careful na kami sa mga taong kakausapin namin. Makikiramdam na lang muna kami bago kami magbitiw ng sasabihin namin."



Nakapag-taping at nag-pictorial na raw si Patrick para sa Book 2 ng Fantastic Man. Hindi raw ito nasaksihan ni Jennylyn dahil may trabaho raw siya noong araw na iyon.



"Mabuti na rin na wala ako doon para magkausap naman sila Pat at Mark. Mag-bonding sila para lalo silang maging okay sa trabaho," sabi niya.



Samantala, paalis si Jen this July patungong USA. May solo show siya sa Hawaii tapos ay magkakaroon ng US screening ang pelikula nila ni Patrick na Angels sa Los Angeles, San Diego, San Francisco, at Las Vegas. In between ay sisimulan na niya ang shooting ng Resiklo with Bong Revilla para sa 2007 Metro Manila Film Festival. Ito ang dahilan kung kaya't wala pang bagong show si Jennylyn sa GMA-7 after Super Twins.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"May gagawin pa ulit kami ni Patrick na isa pang movie," balita ni Jen. "Under Eagle Eye Productions din ito. Maganda kasi ang feedback sa team-up namin sa Angels kaya may follow-up movie kami."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN