Rica Peralejo willing to wait for God's right man for her


"Mas happy ako kasi walang pressures. Enjoy din naman. Kasi nga, nagagawa ko pa ang mga bagay na hindi pa rin naman ako handang i-give up at this point, lalo na with my career. And, nag-aaral pa ako," says Rica Perelajo about being single.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang aktres na si Rica Peralejo sa press conference ng bagong pelikula ng Regal Entertainment, ang Tiyanaks.



Rica does a 360-degree turn sa buhay niya sa mga panahong ito.



"Balik school!" masayang deklara ni Rica. "I am taking up Creative Writing sa Ateneo. So, from Monday to Friday, nasa school ako from 7 a.m. to 12 noon. Ang nakakatuwa, I was able to arrange my schedules para hindi masagasaan ang pag-aaral ko ng mga commitments ko na nasagutan ko na.



"And now na nagkaroon pa ako ng morning show, you can just imagine, talagang by 9 p.m., pack-up na ako sa anumang ginagawa ko dahil I have to be up by 3 a.m. pa lang, para naman sa bago kong papel sa Umagang Kay Ganda ng ABS-CBN. Although, hindi naman every morning na nandoon ako dahil there are segments ko naman na itine-tape din.

"Kaya mas enjoy ako ngayon. Mas gusto ko na ‘yong ganoong takbo ng schedule, na wala nang gap. From the show, diretso na ako sa school."



Sabi rin ni Rica, she's fascinated sa books na ang tema ay may kinalaman sa mafia. Kaya there are instances na pati sa bidang character ng binabasa niya ay hitsurang in love ang aktres. Kumusta na ba ang lovelife niya ngayon? May nanliligaw na ba sa kanya?



"Wala nga akong mga suitors ngayon, e. Honestly, wala!" sabi niya.



Engrossed din si Rica in her renewed faith as a Christian and as part of the Victory Christian Fellowship. Pati ba pagtingin niya sa pag-ibig o pakikipagrelasyon ay naiba na rin?



"Sabi ko nga sa sarili ko, parang hindi yata ako ito!" natatawang sabi ni Rica. "Kasi ngayon, willing akong maghintay, alam mo ‘yon. Iyong kahit siguro gaano pa siya katagal dumating, basta siya na ‘yong ibibigay ni Lord, 'yun na 'yung mas gusto ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nari-realize ko naman na parang mas best nga sa akin yung ganitong set-up. Although there are times na naiisip ko rin na baka naman I am really meant na to be dalaga nang matagal.



"Hindi naman sa nagiging cynical na ako. Sabi nga nila, baka raw ganito talaga pagdating mo na sa ikatlong boyfriend mo, parang ang dami mo nang kinatamaran o na-bore ka na or whatever. Sa akin nga, baligtad, mas nagkakaroon ako ng hope. Dahil na rin siguro with the environment na kinalalagyan ko ngayon. Kaya hindi na ako natatakot maghintay.

"Wala na yung magmadali factor. Kaya mas happy ako kasi walang pressures. Enjoy din naman. Kasi nga, nagagawa ko pa ang mga bagay na hindi pa rin naman ako handang i-give up at this point, lalo na with my career. And, nag-aaral pa ako."



Dahil nami-miss din ni Rica ang kanyang older sister na sa United States naninirahan, may plano rin pala ang aktres to stay there for six months at six months naman dito sa Pilipinas.

Parang ang dami naman niyang gustong gawin nang sabay-sabay?



"Miss ko kasi talaga yung sister ko, e. At saka gusto ko rin kasi ang buhay doon. Plano pa lang naman ‘yon. Kung mangyayari naman—na wish ko lang ay ganoon karami ang pera ko para magawa ko ng mas madali—gagawin ko talaga. Kasi I want to spend my time din with her. Sabi ng marami, mahirap din 'yung ganon. Pero ako, alam ko sa sarili ko na kakayanin ko, e," paliwanag ni Rica bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN