Lorna Tolentino ignores Rosanna Roces's threat


"Nagkataon lang siguro na marami kasi akong mas dapat isipin ngayon kaya wala ako sa fighting mood na sumagot-sagot. Alam naman ng lahat na may problema akong kinakaharap ngayon. Kaya hindi ko papatulan ang mga ganyang isyu," says Lorna Tolentino (left) about the threat of Rosanna Roces (right).


Muntik nang hindi maabutan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang aktres na si Lorna Tolentino sa grand opening ng branch ng Forever Flawless sa Mall of Asia kahapon, June 23. Si Lorna ang main celebrity endorser ng Forever Flawless at ngayon ay sinamahan na siya ni Judy Ann Santos.



Dito nagsalita si Lorna sa mga sinabi sa interview ni Rosanna Roces tungkol sa maysakit niyang mister na si Rudy Fernandez. Ito ay may kinalaman sa diumano'y ilalantad ni Osang na intimate photos nila ni Daboy.



"Galit ako sa mga sinabi niya," mariing sinabi ni Lorna. "Malungkot din ako. Ewan ko nga ba bakit may mga tao na napaka-insensitive. Alam na nga nila na may sakit ‘yong tao, kung anu-ano pa ang sinasabi nila."



As much as possible, ayaw nang patulan ni Lorna ang mga pahayag ni Osang sa telebsiyon at sa mga diyaryo.



"Nagkataon lang siguro na marami kasi akong mas dapat isipin ngayon kaya wala ako sa fighting mood na sumagot-sagot. Alam naman ng lahat na may problema akong kinakaharap ngayon. Kaya hindi ko papatulan ang mga ganyang isyu," sabi ni Lorna.



Samantala, hindi naman itinanggi ni Lorna ang tungkol sa pagmaga ng kanyang mukha pagkatapos mag-undergo ng thermage treatment kay Dra. Vicki Belo.



"Lahat naman ng nagpapa-thermage, meron. Kumbaga, iyon naman talaga ang side effect. Mamaga ng konti ang mukha mo. Five days namaga, pero konti lang tapos mawawala. Magsa-subside na. Pag nag-subside naman, sobra namang wala ka nang taba, o!" sabay hawak niya sa kanyang mukha.



"Hindi ko alam kung bakit na-blown out of proportion ‘yong tungkol doon. Siyempre, gusto nila kaming pag-awayin ni Doktora. Pag merong mga tao na hindi naman maligaya... Siyempre, ano pa ang gagawin nila kundi ang makapaghanap ng maipipintas kay Doktora, ‘yong maipipintas sa akin?" pagwawakas ng aktres.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN