Vandolph and Jenny Fernandez consult feng shui expert for wedding date


Vandolph and his longtime girlfriend Jenny Fernandez have decided to hold their wedding on December 30, 2007. Their wedding date was recommended by a feng shui expert.


Sa December 30, 2007, na nakatakda ang pag-iisang-dibdib nina Vandolph at ng girlfriend nito for four years na si Jenny Fernandez. Ito ang nalaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) nang makausap namin ang dalawa sa lobby ng GMA-7 last Saturday, June 23.

Ayon kay Jenny, December 30 ang napili nilang date dahil bukod sa anniversary nila ito ni Vandolph, ayon sa feng shui ay maganda ang date na ito para sa kanila.

Bago pumili ng araw ng kasal ang dalawa, sumangguni muna sila sa isang feng shui expert. Yellow gold at green ang magiging motif ng kasal nila dahil masuwerte raw ang kulay na ito sa kanilang dalawa.

"Pina-feng shui muna namin para start pa lang ng aming buhay-may asawa ay siguradong maganda na," saad ni Vandolph.



Isang garden wedding ang balak ng dalawa at si Wilma Doesnt ang kinuha nila para maging wedding planner.

Hindi pa kumpleto ang entourage, pati na ang listahan ng mga ninong at ninang. Pero sinabi ng magkasintahan na isa si Lorna Tolentino sa magiging ninang nila.

Si Lorna ay asawa ni Rudy Fernandez, na dati namang asawa ng ina ni Vandolph na si Alma Moreno. Ang ama ni Vandolph ay ang Comedy King na si Dolphy na ngayon naman ay partner ni Zsa Zsa Padilla, na pinsan ni Rudy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN