Bong Revilla proposes sportsfest between ABS-CBN and GMA-7


"Kasi kailangan natin ng camaraderie, e. Kumbaga, iisa lang ang industriyang ginagalawan natin kaya kailangan ‘yon. At para mai-promote din ang pagkakaisa, hindi lang sa showbiz industry, kundi para na rin sa buong bansa," says Senator Bong Revilla about his proposal.


Plano ni Senator Bong Revilla na hikayatin ang pamunuan ng GMA-7 at ABS-CBN na magdaos ng isang sports event na lalahukan ng mga bituin ng naturang dalawang giant TV networks.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa action star sa Marikina Sports Park last Saturday, June 23, para sa Kapusolympics, sinabi nitong gusto niyang magkaroon ng battle of the networks sa pamamagitan ng sports.

"Gusto ko ay dalawang network lang, kasi ang mga artista naman natin ay either sa GMA-7 o sa ABS-CBN. Parang ganito ang magiging labanan, tulad dito sa Kapusolympics.

"Hindi naman problema kung saang channel ipapalabas, pareho nilang ipalabas nang sabay, pareho nilang ibenta. Iyon ang proposal ko. Basta gusto naman nila, hindi imposible ‘yon, e. I don't think na magkakaproblema ‘yan sa GMA, so Channel 2 na lang ang kakausapin, I will talk to them. Kakausapin ko si Ms. Charo Santos," pahayag ni Bong.

Idinagdag pa ng actor-politician na makakatulong ito para mas maging healthy ang samahan at pagtatrabaho sa showbiz industry.

"Kasi kailangan natin ng camaraderie, e. Kumbaga, iisa lang ang industriyang ginagalawan natin kaya kailangan ‘yon. At para mai-promote din ang pagkakaisa, hindi lang sa showbiz industry, kundi para na rin sa buong bansa. Simulan natin dito para ma-unite na rin ang buong bansa. Makakatulong pa tayo para mai-promote din ang sports sa ating bayan.

"Maganda kasi ito and the KAPPT [Kapisanan ng mga Artistang Pilipino sa Pelikula at Telebisyon] can handle it. Iyong Actors Guild ay puwedeng maging involved dito and iba naman ito sa Star Olympics dahil mga TV stars ito. Pero kung ayaw nila ay puwedeng independent ang hahawak ng battle of the two giant networks, na gagawin natin through sports. Kahit parang fun game lang, at least magiging masaya ‘yon.

"Kung may intriga man, part ‘yon ng showbiz e. At least, lalong iinit. Like noong panahon nina Nora [Aunor] at Vilma [Santos], nang pinagsama sila sa iisang pelikula ay lalong pumutok, hindi ba? Pero tiyak na mag-e-enjoy ang mga tao," paliwanag ni Bong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN