Pops Fernandez excited to see son of Martin Nievera with Katrina Ojeda


"I'm super excited to see [baby Santino]. Siyempre, at the end of the day, kapatid pa rin siya ng mga anak ko," says Pops Fernandez about Santino, the son of ex-hubby Martrin Nievera and Katrina Ojeda.


Kadarating lang sa Pilipinas ng Concert Queen na si Pops Fernandez, pero nakatakda ulit siyang umalis papuntang United States para sa continuation ng concert tour nila ni Kuh Ledesma. Ito ang dahilan kaya hindi matanggap ni Pops ang mga offers sa kanya dito sa Pilipinas. Nakatakda siyang umalis ulit last week of July at sa September na ang balik niya.



Pero bago umalis si Pops ay paplantsahin muna raw niya ang ilang detalye sa concert na gagawin niya on December 7, 2007, in celebration of her 25th anniversary in showbiz. Ngayong araw, June 25, ay nakatakdang makipag-meeting si Pops with Rowell Santiago na siyang magdidirek ng concert.

Next month naman ay looking forward si Pops na makita nang personal ang baby ng ex-husband niyang si Martin Nievera sa girlfriend nitong si Katrina Ojeda. Magbabakasyon sa Pilipinas si Martin, bitbit sina Santino at Katrina.



"I'm gonna probably meet him [Santino] here [in the Philippines]. Hindi ko siya nakita sa US. I have pictures of the baby on the phone. I'm super excited to see him. Siyempre, at the end of the day, kapatid pa rin siya ng mga anak ko," sabi ni Pops nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng guesting niya sa The Buzz kahapon, June 24.



Nang dumating si Martin last month dito sa Pilipinas ay isinabay na niya ang bunsong anak na si Ram pabalik ng US. At habang nasa US si Ram ay super text daw kay Pops ang kanyang bunsong anak.



"We're always in touch. I think more than that, he's so excited kasi si Ram ‘yong anak ko na mahilig mag-drawing, di ba? And he recently went to Pixar Studios. And Martin brought him there and they super love his work. So, super super happy siya. More than anything, he's so excited for that.



"They are asking him to constantly send all of his drawings there. Kasi he's very young pa. So, I guess, they want to develop him and they want to see all his stuffs that he creates. Kaya super saya siya. That's really his dream ever since he was a kid. So, that's galing!" masayang kuwento ni Pops.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Pagdating ni Pops sa Pilipinas ay nabalita agad na sumama siya sa boyfriend niyang si Jomari Yllana sa Baguio.



"Ang bilis naman ng mga pangyayari!" nakangiting sabi ni Pops. "Yeah. Actually, he had work there. Tapos we spent some time na rin there. It's not a taping, it's for another business of his."



Sumunod ba siya o sabay silang umakyat ni Jomari sa Baguio?



"We decided to go na rin just to take a break," sagot ng singer-actress. "Kasi, di ba, yung States ko naman, that's super all work also? Ngayon lang kami nagkita. That's just two days. I even brought my brother, kasi I also missed my brother Joey. We haven't spent time. So, ‘yon lang. Ganun-ganun lang. Nood-nood lang kami ng movie.

"Kasi, kumbaga, in-enjoy lang naming yung air. Tapos kumain lang kami ng Baguio food. Kasi here [in Manila], it's very hot. Partly work, then, we went down na rin," kuwento ni Pops.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN