"Hi!" magazine gets crazy in love with Jolina Magdangal


The July 2007 cover of Hi! magazine.


Siksik na siksik sa intriga at tsismis ang hatid ng issue ng Hi! magazine ngayong July.

Sa umpisa pa lamang ay bubulagain na kayo ng mga isyung kinasasangkutan ng mga mag-asawa, magkasintahan, at dating naging magkarelasyon. Ilan sa mga ito ay ang paghihiwalay nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla, ang pagbubuntis ng dating beauty queen na si Carlene Aguilar (ex-girlfriend ni Dennis Trillo), at ang pinakamatinding isyu ay ang hiwalayang Ruffa Gutierrez at Yilmaz Bektas.

Hindi rin nakawala sa panulat ng Hi! ang tatlong itinuturing na mga ultimate "papas" sa ngayon: Piolo Pascual, Sam Milby, at Erik Santos. Bagama't laging nasasangkot sa intriga, game pa rin ang tatlong ito na magbigay ng updates tungkol sa kani-kanilang mga lovelife.

Sa mga susunod na pahina, aaliwin naman kayo ng Hi! sa mga nakatutuwa at cute na cute na mga larawan ng inyong mga paboritong artista noong bata pa sila. Sa hitsura nila noon, hindi mo aakalain na ang iba sa kanila ay magiging daring na ngayon. Makikita rin dito ang unti-unting pagbabago sa hitsura ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez.

At ang pinakatampok na istorya ngayong Hulyo ay ang lovelife ng fashion icon na si Jolina Magdangal. Alamin ang umpisa at ang kasalukuyang level ng pagmamahalan nila ni Bebong Muñoz.

Bilang panghuli, ihahandog sa inyo ng Hi! ang mga bagong artistang aabangan, hindi lamang sa telebisyon pati na sa pelikula. Kilalanin kung sinu-sino ang mga bagong dalaga at binata na kasama sa Batch 15 ng Star Magic. Alamin din ang potensiyal ng mga artistang nagmula sa StarStruck Batch 4 na sina Paulo Avelino at Stef Prescott.

Ilan lang ‘yan sa mga maiinit at pinakaaabangang isyu ng Hi! ngayong July.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN