Rosanna Roces vs. Lolit Solis & Lorna Tolentino word war heats up


"Ikaw, kababaeng mong tao, pumapatol ka sa isang lalaking may asawa?... At hindi lang isang beses ka nagkamali, sunud-sunod," says Lolit Solis (right) about Rosanna Roces (middle), who reportedly had an affair with Lorna Tolentino's (left) husband, Rudy Fernandez.


"Magharap tayo kahit sa The Buzz! Kung ayaw mo sa Startalk, sa The Buzz magharap tayo. Para mapatunayan na lahat!" hamon ni Lolit Solis sa kanyang dating alaga na si Rosanna Roces sa taped interview sa kanya ng The Buzz kahapon, June 24.

Isa-isang sinagot ng Startalk hosts na sina Lolit at Lorna Tolentino ang mga naging pahayag ni Osang sa interview sa kanya ng The Buzz noong nakaraang Linggo, June 17.

Isa sa mga pinakamatinding pahayag ni Osang ay nang tanungin siya kung ano ang naging kasalanan niya sa aktres na si Lorna.

Aniya, "Gusto mo sagutin ko nang totoo? Hindi ko kasalanan. Pero baka malaglag lang sila sa kinauupuan nila."

Kaugnay nito ay nailabas na rin ni Lolit ang tinutukoy ni Osang dahil marahil sa tindi ng galit. Ang dating bulung-bulungan lamang, ngayo'y tahasang sinabi ni Lolit ang maaaring naging kasalanan ng dating sexy actress.

Ayon kay Lolit, "Siguro ang malaking pagkakamali na si Rudy Fernandez [husband of Lorna] na may asawa, pumatol kay Rosanna Roces na may asawa rin at the time na pareho silang may asawa.

"Ikaw, kababaeng mong tao, pumapatol ka sa isang lalaking may asawa? Di ba, hindi ba sakit na maitatawag iyon na babae kang may-asawa, may anak, tapos pumapatol ka sa lalaking may-asawa? At hindi lang isang beses ka nagkamali, sunud-sunod. Hindi lang isang relasyon ang pinatulan mo, sunud-sunod."

WHOSE FAULT IS IT? Sa kabila ng pagbubulgar na ito ni Lolit, para kay Osang ay hindi naman niya kailangang humingi ng paumanhin kaninuman.

"Kung meron man akong kasalanang nagawa sa kanya, pinagbayaran ko na. Kung ako ang may ginawang kamalasaduhan sa kapwa, palagay ko ako 'yung may sakit ngayon."

Sa ngayon, hindi lingid sa kaalaman ng karamihan na may cancer si Daboy. Dahil sa pahayag ni Osang, lubos na ikinagalit, hindi lamang ni Lolit kundi pati na ni Lorna ang pasaring ng dating sexy star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag ni Lolit: "Ikinagalit ko talaga yung sinabi niyang kung sino sa kanilang dalawa ni Rudy ang may kasalanan, siya sana ang may sakit. Referring na ang may kasalanan si Rudy dahil may sakit si Rudy, di ba? Parang napaka-insensitive, alam mo na may sakit si Rudy, cancer, tapos magsasalita ka ng ganun?"

At tulad ni Lolit, nagpakita din nag pagkadismaya ang asawa ni Rudy. Aniya, "It's so hard kasi lalo na yung sa paligid mo hindi maganda. And then, may mga taong, let's say, so insensitive with what you're going through. Ang hirap na maging matatag. Hindi naman ako ganoon [kalakas] na tao."

LESBIAN ISSUE. Bunsod ng mga matitinding pahayag ng magkabilang kampo, muli ring naungkat ni Manay Lolit ang diumano'y pakikipag-relasyon ngayon ni Osang sa kapwa babae.

Ngunit ang mabilis na sagot ni Osang: "How I wish! Sabi ko nga, lahat ng pakikialam napagdaanan ko na. Pero sabi ko nga, dalawa na lang ang pagpipilian ko: ang tama at mali. Alam kong mali, bakit ko uulitin, di ba?"

Dagdag pa niya, "Ngayon, meron sigurong ibang tao na sadyang ganoon ang gawain at ipinupukol sa iba. Ire-remind ko lang na kapag ang anak ng Diyos pinukol mo, lahat ng sinasabi ninyo, magiging uling ‘yan na gaganun sa mukha niyo. Kayo ang magiging marumi, hindi ako."

Isa na naman itong pasaring na ibinato ni Rosanna kay Lolit.

Sa tingin ni Lolit, ang tinutukoy ng dati niyang talent ay si Lorna.

Depensa ni Manay Lolit, "Bakit daw hindi ako tumingin sa paligid ko? Alam ko ang nire-refer niya nun si Lorna. And pini-pinpoint ni Rosanna ay tungkol kay LT, na tomboy si LT.

"Basta si LT, kung tomboy man, naging babae dahil may Rudy Fernandez, di ba? O baka naman kaya nagagalit siya dahil ang gusto niyang maging bata niya si Lorna, hindi si Rudy Fernandez?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, mas pinili naman ni Lorna na huwag magkomento sa paratang ng dating sexy actress. Para sa kanya, "Gawain din ‘yan ng mga taong walang magawa. I mean, ever since bata pa ako, ganun na ‘yon, matagal nang isyu ‘yan, simula nang magsimula akong mag-artista. So, wala na.

"Bahala na lang sila. Kasi ano naman ang mangyayari kung sasagutin ko nang sasagutin? Ilang beses ko na ring sinagot ‘yan, matagal na, noong araw pa, so tama na."

FACE TO FACE. Para matapos na raw ang lahat ng isyu at bangayan na ito, hinamon ni Lolit si Osang na magharap sila upang malinawan na ang lahat ng bagay.

"Magharap tayo kahit sa The Buzz," hamon ni Lolit. "Kung ayaw mo sa Startalk, sa The Buzz magharap tayo. Para mapatunayan na lahat. Lahat ng question na gusto mong itanong, lahat ng tanong na gusto mong itanong, sasagutin ko. Sagutin mo rin lahat ng question ko sa iyo. Para malaman na ng tao kung sino ang sinungaling."

Sa parte naman ni Lorna ay mas gugustuhin daw niyang huwag na lamang patulan ang dating sexy actress, lalo pa't may mabigat na problemang kinakaharap ang kanilang pamilya ngayon.

"Pwede akong makipag-away kung wala ako sa situwasyon na ganito ngayon. Pero hindi sa dinadaanan ko ngayon," sabi ng aktres.

Ngunit tila hindi patitinag si Rosanna sa hamon ng kanyang dating manager. Bagkus ay binalikan niya ito ng isa rin hamon: "Mag-ingat sila sa akin dahil fisherman ako, lalambatin ko sila. Fisherman ako ng mga tao, bibitbitin ko sila papunta sa kapilya."

Bilang panghuling pahayag, umamin ang dating sexy actress ng kanyang nararamdaman sa dating manager.

"Basta ang alam ko, mahal niya ako. Mahal ko siya siyempre. Mas mahal ko nga siya dati kaysa sa asawa ko, e," sabi ni Osang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN