Star Magic talent Jill Yulo dating politician's son


Star Magic talent Jill Yulo is reportedly being courted by the son of former Ilocos Norte Governor Rudy Fariñas. Jill reently broke up with another politician's son, Meynard Lapid.


Certainly one of the freshest faces ngayon sa Star Magic si Jill Yulo, na part ng pelikulang Tiyanaks ng Regal na magbubukas this July 4.

Partner niya rito ang kanyang ex-boyfriend na si Alwyn Uytingco. Sabi ni Jill sa last press con ng Tiyanaks, okay raw ang working relationship nila at mas nag-uusap na sila ngayon, hindi tulad ng dati after their break-up.

Ayaw nang magsalita muli ni Jill ng cause of their break-up, unlike dati na may pinaparinggan siyang third party na si Princess Ryan, another Star Magic talent.

Good words na ang sinasabi ni Jill both kina Alwyn and Princess.

"Bata pa lang kasi kami noon," sabi ni Jill about her love affair with Alwyn.

"Nice girl naman si Princess, hindi lang kasi kami magkakilala ng gaano," sabi naman niya tungkol kay Princess.

Sa ngayon, wala na rin sila ni Meynard Lapid, ang anak ni Senator Lito Lapid at kapatid ng outgoing Pampanga Governor na si Mark Lapid.

"Ang hirap naman kasi talaga ng long-distance relationship," kuwento ni Jill about Meynard, who is studying in Las Vegas.

"Right now, I'm so happy that I'm young, busy and single."

Hindi naman ikinaila ni Jill that she is currently dating another guy, si Ryan Fariñas, anak ng dating governor ng Ilocos Norte na si Rudy Fariñas and the late Maria Theresa Carlson. Dating lang daw naman sila and no courting yet.

Ryan is 21 and Jill turns 18 this December with a dance party instead of a formal debut. Ayaw niya raw antukin ang mga guests niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN