Nadine Samonte and Mike Tan play important roles in "Marimar"


StarStruck graduates Nadine Samonte (left) and Mike Tan are part of the star-studded cast of the Philippine version of Marimar.


PEP (Philippine Entertainment Portal) stands corrected sa unang report namin na mga bagong characters ang mga papel na gagampanan nina Mike Tan at Nadine Samonte sa Marimar. Mga latter part of Marimar pala kasi pumasok ang mga papel na Choy at Inocencia sa original Mexican telenovela, ngunit palalakihin dito sa Filipino version.

Si Choy ang katiwala sa hacienda ng mga SantibaƱez na magta-traydor kay Marimar samantalang si Inocencia naman ang nakababatang kapatid ni Angelica at may lihim na pagmamahal kay Sergio.

Hindi lang lalaki ang mga papel nina Mike and Nadine sa Pinoy version ng Marimar, mababawasan din ang pagiging kontrabida ng mga characters nila at, sa huli, baka sila rin ang ipares. Sa Filipino version kasi, ili-link din muna si Choy kay Marimar (Marian Rivera) the same way na mali-link si Inonecia kay Sergio (Dingdong Dantes).

Wala pa naman daw sinasabi sa kanya, pero just in case, handang magpakita ng kaunting katawan si Mike. Ito ang kuwento ng young actor sa PEP nang makausap namin siya sa Station 168 Internet Cafe.

"Mahirap lang po ang papel ko rito, sira-sira raw ang damit. Tapos beach pa,"paglalarawan ng StarStruck 2 Ultimate Male Survivor.

There is a chance na magta-topless din si Mike sa Marimar most of the time.

"Kaya nga po palagi akong nagdyi-gym para hindi naman nakakahiya ang katawan ko," sabi ni Mike.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN