PBB housemate Wendy Valdez eyed for kontrabida roles


Pinoy Big Brother housemate Wendy Valdez is one of the remaining six housemates. Wendy is reportedly getting offers as early as now, mostly kontrabida roles.


Hindi pa man nakalalabas sa Pinoy Big Brother house, marami nang acting offers kay Wendy Valdez.

Anim na lang ang natitirang original housemates sa Pinoy Big Brother (PBB) Season 2: sina Wendy, Bruce Quebral, Gee-Ann Abrahan, the half-Australian Mickey Perz, Bea Saw, at ang anak nina Tirso Cruz III and Lyn Ynchausti na si Bodie Cruz.

Natanggal last Sunday si Nel Rapiz. Mamayang gabi, June 26, isa pa ang tanggalin and another one on Thursday, June 28. Sa Saturday, June 30, gaganapin ang Big Night ng PBB sa Araneta Coliseum. Dalawang araw lang maglalagi ang Big Four na magkakasama, unlike the first season na may isang linggo pa silang nakapag-bonding muna.

Kung marami mang naiinis kay Wendy dahil sa mga napapanood sa kanya, balitang siya naman ang hinihintay ng mga big bosses ng ABS-CBN once she gets out of the house.

May naka-line up na work na raw kay Wendy, mostly kontrabida roles.

Sabi ng nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal), in fairness daw ay bagay naman sa kay Wendy ang mag-kontrabida kapag nagkataon dahil effortless ang kanyang magiging acting. Maraming bagong kontrabida raw ang kakabugin ni Wendy just in case at ngayon pa lang, tinatawag na siyang bagong Bella Flores.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN