Ara Mina and Polo Ravales: remote chance for reconciliation


Ara Mina (left) is "okay lang" about ex-boyfriend Polo Ravales's (right) statement that he prefers getting back with Sunshine Dizon than with Ara. She says her life is quiet now, with no lovelife and being free of showbiz intrigues.


Naitanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa sexy actress na si Ara Mina kung ano ang reaksiyon niya sa pahayag ng kanyang ex-boyfriend na si Polo Ravales, na mas gusto pa raw niyang balikan ang ex-girlfriend nitong si Sunshine Dizon kaysa kay Ara kung ito ay pamimiliin.



"Okay lang, kasi hindi ko na rin iniisip na makipagbalikan pa sa kanya," ganting sabi ni Ara. "Mahirap ngang basta nagsasalita nang patapos, at hindi ko naman isinasara ang pinto para kay Polo dahil may pinagsamahan din kami.



"Pero mukhang mas tahimik ang buhay ko nang walang lovelife. Hindi nakakaladkad sa kung anu-anong intriga ang buhay ko, which I like better. Kahit sandali lang, makaiwas muna sa mga ganyan."



Ayon kay Ara, wala muna siyang panahon para sa lovelife, lalo na kapag may mga kaibigan siyang lumalapit na nagkukuwento ng mga hindi magagandang nangyayari sa kani-kanilang buhay with their partners.



"Nakakagulat dahil ang alam ng iba, dahil mga artista sila, maaayos ang kani-kanilang relasyon. Pero may mga problema rin," napapailing na sabi ni Ara.



Nagka-trauma ba siya sa relasyon nila ni Polo?



"Hindi trauma in particular sa nangyari sa amin ni Polo," paglilinaw niya. "Ang sa amin kasi, nagkaproblema talaga sa panahon. That time kasi, mas napadalas ang paglabas-labas ko ng bansa for some commitments. Pagbalik ko, parang may nabago na. Parang mahirap basta sisihin ang kung sino dahil doon."



Takot lang daw siyang makipag-commit ngayon kung wala ring patutunguhan ang relasyon. She can't afford to gamble again for love. Sa edad daw niya, kung magkaka-boyfriend siya, ang susunod na roon ay ang pagpapakasal na dapat.



"Kung hindi ganoon, huwag na rin lang," sabi ni Ara. "Marami pa akong ibang dapat gawin, at i-enjoy ko na lang muna ang pagiging single ko."



Nagbalik na rin sa dati ang sigla ni Ara, hindi lang sa career niya kundi sa personal niyang buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natanggap na rin ng sexy actress ang pagkatalo ng ama niyang si Chuck Mathay sa kalaban nitong si Annie Susano sa pagka-congressman ng second district ng Quezon City last May 14 elections.



"Again, nakita ko noong nakaraang eleksyon ang dumi ng pulitika," napapailing na sabi ni Ara.

"Sa ngayon, nakatutulong naman ako kahit hindi ako directly involved sa politics. Napagod ako sa nakaraang kampanyahan. Sumama pa ang loob ko. Kasi, gusto ko ring matulungan ang father ko kung sakaling na-elect siya. Kaso hindi ganoon ang nangyari," aniya pa.



Pero hindi raw ito nangangahulugang hihinto siya sa pagtulong sa pamamagitan ng kanyang Ara Mina Foundation. Mag-iisang taon na pala ito at sa anibersaryo nito, mayroon pang isang malaking proyektong inihahanda si Ara kaugnay nito.



"Yung kinita sa concert ko sa Araneta Coliseum last year, marami ang nakinabang at natulungan. In line with the anniversary of the foundation, gusto ko lang ipaalam sa mga tao kung saan napupunta ang pera ng foundation.



"Kailangan ko ring gawin ito para ma-encourage pa ang mas marami na tumulong dahil alam nila, ke may pulitika o walang involved dito, may mga natutulungan sa mga nangangailangan," pagdidiin ni Ara.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN