Hero Angeles's indie film "Stockroom" to be screened at Cinemalaya


Former matinee idol Hero Angeles has directed an indie movie, Stockroom, which will be screened at Cinemalaya 2007. Hero's movie, which he also stars, is not for competition.


Out of the blue ay nagpadala ng text message sa PEP (Philippine Entertainment Portal) kagabi, June 24, ang kapatid at tumatayong manager ni Hero Angeles na si Henry Angeles para ibalita na kasama ang horror flick na Stockroom, na idinirek ng young actor, sa indie films na ipalalabas sa upcoming Cinemalaya 2007 Philippine Independent Film Festival na gaganapin sa July 20 to 29, 2007 sa Cultural Center of the Philippines (CCP).



Mula nang maging inactive sa showbiz si Hero noong 2005 ay halos wala nang balita tungkol sa kanya. The 21-year-old former loveteam of Korean young star Sandara Park concentrated on his Fine Arts studies at the University of the Philippines.

Ipinagmalaki ni Henry sa PEP na bukod sa pagiging direktor ay si Hero rin ang bida at sumulat ng Stockroom. Base sa aming quick Internet research, ang first directorial job ni Hero "is a blend of modern scares with social issues on employment of language teachers in the Philippines."

Stockroom is about an unemployed English teacher and his niece who accidentally disturb an element of the past while inside a haunted stockroom.

Isa raw itong special project for Hero, who did the film using his own mini-DV camera under a very small production budget. Balak daw itong ipadala abroad ng budding filmmaker para maipalabas sa iba't ibang international film festivals.

Nagkaroon ng premiere screening ang Stockroom sa IndieSine ng Robinsons Galleria noong May 1, 2007.

With this latest news, curious ang marami: Ito na kaya ang hudyat ng official showbiz comeback ni Hero after a long absence in the entertainment scene?

Si Hero ang itinanghal na first ever Grand Teen Questor sa reality-based star search ng ABS-CBN na Star Circle Quest (SCQ) back in 2004. After that ay nagkaroon siya ng regular shows sa Kapamilya Network, tulad ng SCQ Reload: OK Ako (2004) na naging SCQ Reload: Kilig Ako, where he was paired with screen loveteam Sandara Park. They also both appeared in the fantaserye Krystala starring Judy Ann Santos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakadalawang pelikula sina Hero at Sandy under Star Cinema: Bcuz of U (2004), a teenage trilogy movie with fellow loveteams Diether Ocampo & Kristine Hermosa, Heart Evangelista & Geoff Eigenmann; and Can This Be Love (2005) na sila na mismo ang bida.

Pagkatapos no'n ay nagsimula nang magkagalit sina Hero at Sandara, who was linked and later on became the girlfriend of SCQ batchmate Joseph Bitangcol.

Kahit maraming fans noon ang Hero-Sandara loveteam, eventually ay nabuwag ang kanilang tandem. From then on ay unti-unti nang bumagsak ang once promising career ni Hero.

Isa sa sinasabing dahilan ng kanyang "showbiz downfall" ay ang brother-manager niyang si Henry, na nakabangga ang Star Magic ng ABS-CBN na dating nangangalaga sa career ni Hero. Mula nang magpa-release sa Dos si Hero ay hindi na muling nakabangon pa ang kanyang nalugmok na career.

Sa mga interesadong mapanood ang directorial debut ni Hero, here are the scheduled screenings of Stockroom in Cinemalaya: July 21 (Saturday) - 12:45 PM, Venue 4 - CCP MKP Hall/Bulwagang Alagad ng Sining; July 28 (Saturday) - 6:15 PM, Venue 3 - CCP Dream Theatre/Tanghalang Manuel Conde.

Hindi kasali ang Stockroom sa films in competition in this year's Cinemalaya filmfest. Instead, for exhibition ito together with a bunch of other indie film titles.

Produced by Two Light Productions, Stockroom is a joint project of brothers Hero and Henry Angeles with a reported budget of P1M.

Regular Cinemalaya tickets are priced at P100 (P50 for students)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN