Dina Bonnevie returns to Kapuso Network


Award-winning actress Dina Bonnevie returns to the Kapuso Network by appearing in the TV remake of the Viva Films movie Kung Mahawi Man ang Ulap.


Naikuwento sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ng isang reliable source na kasama ang aktres na si Dina Bonnevie sa cast ng Kung Mahawi Man Ang Ulap, ang susunod na feature ng GMA-7 sa kanilang Sine Novela.

Kung ang anak niyang si Oyo Sotto ay lumipat sa ABS-CBN, si Dina nama'y nagbabalik sa Kapuso Network with this project.

Ang huling regular show ni Dina sa GMA-7 ay ang soap opera na Narito ang Puso Ko, na unang primetime show ni Jolina Magdangal sa Kapuso Network pagkatapos nitong lumipat from ABS-CBN. Before Narito ang Puso Ko ay may sariling talk show si Dina sa GMA-7 entitled Ms. D!



Kasalukuyang napapanood si Dina sa soap opera ng Kapamilya Network na Walang Kapalit nina Claudine Barretto at Piolo Pascual. Matagal nang tapos ang taping nasabing teleserye kaya maaari nang tumanggap ng ibang offers si Dina.



Sa first week of July ang start ng taping ng Kung Mahawi Man Ang Ulap, kung saan gagampanan ni Dina ang role ni Gloria Romero sa hit 1984 Viva Films movie starring Hilda Koronel at Christopher de Leon. Sa TV remake ng movie, sina Nadine Samonte at Dennis Trillo ang gaganap sa mga roles nina Hilda at Boyet.



Kasama rin sa cast ng remake ng Kung Mahawi Man ang Ulap sina Tommy Abuel, Jeremy Marquez, Tyrone Perez, at Iwa Moto. Hindi na kasama si Alessandra de Rossi, taliwas sa unang nabalita. Kung nagkataon sana ay magkakasamang muli sa iisang TV show ang dating magkasintahan na sina Jeremy at Alex.



Kung Mahawi Man Ang Ulap ang ipapalit ng GMA-7 sa Sinasamba Kita na malapit nang magtapos. Ito ang unang pagkakataon na magtatambal sina Nadine at Dennis, pero nagkasama na sila sa drama adventure series na Super Twins.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN