Rudy Fernandez suffers discomfort after chemotherapy


"Yung effect ng chemotherapy, kahit gaano kalakas ang isang tao, kini-kill din niya ang good cells mo. Yung side effect niya, nararamdaman niya ngayon, like masakit ang paa niya kapag tinatapak niya. Yung kamay niya, parang ang pakiramdam niya, yung nasunog daw yung laman sa loob," narrates Lorna Tolentino about the condition of husband Rudy Fernandez.


Matapos sumailalim muli ng action star na si Rudy Fernandez sa chemotherapy kamakailan, nakararanas daw ito ng ilang discomforts ngayon.

Ayon sa misis niyang si Lorna Tolentino, nahihirapan daw si Daboy ngayon kapag may pressure ang kanyang paa't kamay. Pinagtitiisan daw ito ng action star para tuluyan na siyang gumaling sa kanyang sakit na cancer.

"Yung effect ng chemotherapy, kahit gaano kalakas ang isang tao, kini-kill din niya ang good cells mo. Yung side effect niya, nararamdaman niya ngayon, like masakit ang paa niya kapag tinatapak niya. Yung kamay niya, parang ang pakiramdam niya, yung nasunog daw yung laman sa loob," kuwento ni Lorna sa GMA News at PEP (Philippine Entertainment Portal).

Pero dagdag ni Lorna, sa kabila raw nito ay naging mas malapit sila ng kanyang mister ngayon. Ang kanilang pinagdadaanan daw ngayon ang mas nagpatibay ng kanilang relasyon.

Mas marami raw silang quality time na mag-asawa. Kapag nasa bahay raw sila, nasa isang sulok lang sila at nagkukuwentuhan.

"We talk about anything and everything now," sabi ni LT. "Siguro ito yung time na—mula last year nang maoperahan siya until now—lahat yata ng pag-uusapan, napag-usapan na namin. Sometimes, yung mga pains namin, dinadaan na lang namin sa tawa."

Isang iling naman ang isinagot ni Lorna nang tanungin siya kung may sagot ba siya sa mga pasaring ni Rosanna Roces sa kanya. Una nang humingi ng tawad ang dating sexy star sa mga nakabangga niya, pero matapos ang ilang araw ay binawi nito ang kanyang sorry.

Mayroon ding interviews si Osang na tila bumubuwelta sa kampo ni Lolit Solis, kabilang na rito si Lorna. Pero aminado si Lorna na nagtitimpi lang siya sa mga pangyayari. Minsa'y naaapektuhan din siya sa mga naririnig niya. Pero lahat ng ito ay tatanggapin muna niya nang kibit-balikat.

"Di bale na. Okay na lang. Puwede akong makipag-away kung wala ako sa ganitong situwasyon. Puwede akong makipag-away, pero hindi sa dinaraanan ko ngayon," hinaing ni LT.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Nanay [Lolit, her manager] na lang ang sasagot niyan. Away nila ‘yan," pahabol ng aktres.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN