Piolo Pascual and Ryan Agoncillo continue to avoid each other


Ryan Agoncillo (left) and Piolo Pascual (right) could have seen each other at ASAP '07 last Sunday. But Ryan did not join girlfriend Judy Ann Santos for the promo of their newest ABS-CBN soap opera. It seems that the two gentlemen are not yet ready to settle their differences.


Last Sunday, June 24, ang big TV launch ng Ysabella, ang pinakabagong soap opera sa ABS-CBN nina Judy Ann Santos and real-life boyfriend Ryan Agoncillo. Sa ASAP ‘07 ito ginawa with Juday doing two production numbers: ang opening at ang special number about her forthcoming soap.

Sa first number niya, sinamahan siya ng mga tinatawag na soap princesses of ABS-CBN na sina Anne Curtis, Heart Evangelista, and Kristine Hermosa, among others. Sa Ysabella segment, mga co-stars niya naman ang kasama niya.

Si Ryan, nagbigay lang ng VTR kasama ang isa pang leading man ni Juday na si Derek Ramsey.

Nang hapon din ng Linggo, nakatsikahan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Alfie Lorenzo, manager ni Juday, sa Imperial Palace swimming pool area habang ginaganap ang last press con ng Tiyanaks.

Ang una naming tinanong sa kanya, bakit wala si Ryan sa ASAP at nag-VTR na lang siya.

"Mabuti na rin 'yon para hindi sila magkita ni PJ [Piolo Pascual]," sagot ni Alfie.

Gusto raw talaga ni Juday na maayos na ang problema ng kanyang boyfriend at ng kanyang perennial screen partner. Kaso, she wants it privately, hindi naka-broadcast on TV.

"Mahirap na, baka ipilit ng staff na si PJ ang mag-open ng segment ng Ysabella tapos nandoon si Ryan. Alangan namang hindi lumapit si PJ sa dalawa? Magiging pilit," paliwanag ni Alfie.

Naitanong din namin kay Alfie kung walang nagmi-mediate or nagbu-broker para magkaayos ang dalawa.

Ayon sa talent manager, meron naman daw at tiyak na magkakaayos ang dalawa. Pero siguro now is not yet the time.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN